Mahal naming mga Italians ang kalayaan, ngunit nasa puso din namin ang pagiging responsabile para sa aming bayan”
Ito ang binitawang salita ni presidente Sergio Matarella sa Sassari, sa ginawang serimonya ng paggunita sa Cossiga ngayong araw.
Ito ay ang sagot ng presidente sa katanungan ukol sa kanyang opinyon sa naging pahayag ni UK premier Boris Johnson.
“Mas maraming kaso dito sa atin sa UK kaysa sa Italya dahil mahal natin ang kalayaan”, ayon kay Johnson matapos banggitin sa question time sa Parliyamento na ang Italy at Germany ay may mas mababang bilang ng kaso ng covid19 dahil sa epektibong contact tracing na ginagawa ng 2 bansa.
Kaugnay nito, matatandaang noong nakaraang Hulyo, sa ginawang Cerimonia del Ventaglio, ipinaliwanag ni Matarella na ang konsepto ng kalayaan ay hindi nagbibigay karapatan upang magkasakit ang kapwa.