in

Presyo ng kuryente at gas, karagdagang € 1,231 kada pamilya

Bawat pamilya sa Italya ay magbabayad ng karagdagang €1,231 ngayong taon para sa kuryente at gas kumpara sa taong 2020. Ito ay matapos maitala ang pagtaas sa presyo ng enerhiya ng + 92.7% sa dalawang magkasunod na taon, 2021-2022. 

Ito ay ayon sa Assoutenti (AU), Associazione Nazionale Utenti Servizi Pubblici, isang consumer’s association, na nagsagawa ng pag-aaral sa epekto ng pagtaas ng presyo ng enerhiya. Noong 2020, ang isang pamilya ay gumasta ng € 785 para sa gas at € 542 euro sa kuryente, sa kabuuang € 1,327 euro, ayon sa kalkulasyon ng asosasyon.

Noong 2021, dahil sa matinding pagtaas na nagsimula sa last quarter ng taon, ang gas bill ay umabot sa € 1,162 bawat pamilya at € 802 naman para sa kuryente, na may kabuuang €1,964 bawat pamilya. Noong 2022, dahil sa muling pagtaas sa kabila ng mga hakbang na pinagtibay ng Gobyerno, ang kabuuang gastusin para sa enerhiya ay tumaas ng € 2,558 bawat pamilya: €1,516 para sa gas at €1,042 para naman sa kuryente.

Nangangahulugan na sa loob ng dalawang taon 2021-2022 ang bawat pamilya ay nagbayad ng kabuuang € 1,231 kaysa noong 2020 o higit ng 92.7% (+ € 731 para sa gas, + € 500 euro para sa kuryente), halagang pinangangambahang maaaring lumala pa sa Oktubre, sa pag-aanunsyo ng Arera ng mga update sa tariff para sa huling bahagi ng taon.

Dahil sa kawalan ng aksyon at epektibong sistema sa bansa at kahit sa Europa na pipigil sa pagtaas ng presyo, para sa taong 2023 ay walang positibong pagbabagong inaasahan ang Assoutenti. Ayon pa sa asosasyon may posibilidad umano na umabot sa € 5,266 kada pamilya – €  3,052 para sa bill ng gas at €2,214 para naman sa kuryente, na may pagtaas na aabot ng + 300% kumpara noong 2020.

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 5]

Updated anti-Covid vaccines, nalalapit na ang paglabas sa Europa

Back to School, narito ang bagong regulasyon ng Ministry of Education