in

Presyo ng kuryente at gas sa Italya, bababa simula Abril 

Pagkatapos ng ilang buwang patuloy na pagtaas ng presyo ng gas at kuryente, ngayong buwan ay makakakita na nang bahagyang ginhawa sa mga bayaring house bills. 

Simula Abril ay mararamdaman na ang epekto ng ginawang hakbang ng gobyerno laban sa caro bollette’. Sa katunayan, aabot sa humigit kumulang na 10% ang mababawas sa singil sa parehong kuryente at gas tulad ng inanunsyo ng ARERA, Autorità di Regolazione per Energia Reti e Ambiente, sa huling quarterly update ng nabanggit na ahensya. 

Ang pagbaba sa presyo ng kuryente at gas na inanunsyo ng Arera ay ang una sa loob ng 18 buwan. Ngunit gaano nga ba ang ibaba sa bayarin ng kuryente at gas? 

Ang Decreto Energia (n. 17/2022) ang naglaan ng kinakailangang budget para sa kuryente at gas na magpapahintulot sa bahagyang ginhawa sa halos 30 milyong pamilya at 6 na milyong negosyo. 

Partikular, ang bayarin sa gas ay bumaba ng 10.2%, habang ang gas ay bumaba ng 10%. Ang mga rates mula sa Arera ay balido hanggang sa susunod na quarter, samakatwid mula April hanggang June. 

Gayunpaman, sa kabila ng nabanggit, ang bayarin sa kuryente at gas ay mananatiling mataas sa susunod na dalawang taon kumpara sa average amount nito ng mga nagdaang taon, ayon kay Arera President Stefano Besseghini. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Desisyon ng EU ukol sa fourth dose ng bakuna kontra Covid, malalaman sa susunod na linggo 

651 susog laban Ius Scholae, isinulong ng Lega Nord at Fratelli d’Italia