in

Primrose, simbolo ng kampanya para sa Bakuna laban Covid19

L’Italia rinasce con un fiore - Ako Ay Pilipino

Primrose, ito ang bulaklak na napili bilang simbolo ng kampanya ng bakuna laban Covid19, na inaasahang magsisimula sa kalagitnaan ng Enero 2021.

Ang simbolo ay nilikha ni Stefano Boeri, isang arkitekto at inilunsad kamakailan sa isang press conference kasama si Emergency Commissioner Domenico Arcuri. 

Ang ideyang ito ng isang primrose, ay ang tutulong sa atin upang makalabas mula sa isang madilim na winter – paliwanag ni Boeri – ito ang mensahe na nais naming ibigay sa lahat: ang bulaklak ay ang simbolo ng tagsibol o spring, tanda ng muling pagsilang“. 

“L’Italia rinasce con un fiore”

Ang primrose ay tumutubo kahit sa ating mga plasa kung kaya’t ito rin ang magiging hugis ng mga pavilion sa mga pangunahing plasa sa bansa kung saan isasagawa ang pagbabakuna” – dagdag ni Arcuri. 

Sa mga pangunahing plasa ay magtatayo ng 1,500 gazebos, na may hugis bulaklak kung saan gagawin ang pagbabakuna. 

Magkakaroon din ng malawakang awareness campaign upang anyayahan ang mga mamamayan na magpabakuna, sa pamamagitan ng telebisyon, spot, social media pati an rin sa harapan ng mga ospital, public offices, mga paaralan at mga plasa. 

Sa katunayan, nanawagan kamakailan para sa recruitment ng 3,000 mga duktor at 12,000 mga nurses na makakatulong sa campaign.

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

3 color zones Ako Ay Pilipino

Zona rossa sa Pasko at Bagong Taon? Posibleng ianunsyo ng Gobyerno

pagbabago sa decreti salvini ako ay pilipino

Pagbabago sa Decreti Salvini, aprubado din sa Chamber of Deputies