in

Problema sa Green pass, kanino hihingi ng tulong?

Simula bukas, Oct 15, ang Green pass ay kakailanganin ng lahat ng mga manggagawa ng publiko at pribadng sektor. Ngunit sa kasamaang palad ay naitala na maraming Green pass pa rin ang hindi pa natatanggap at maraming mga QR code na ‘Non valido’. 

Anumang problema ukol sa Green pass ay maaaring malutas sa iba’t-ibang paraan: sa pamamagitan ng telepono o e-mail, sa tulong ng parmasya o doktor

Ang Ministry of Health ng Italya, 24 oras makalipas ang bakuna kontra Covid19, ay karaniwang nagpapadala ng Authcode, ang code na gagamitin kasama ng tessera sanitaria sa website ng https://www.dgc.gov.it/web/ para magkaroon ng Green pass. Natatanggap din ito matapos gumaling sa sakit na Covid19 o sa pagkakaroon ng negative covid19 test. 

Gayunpaman, narito ang mga maaaring tawagan o kontakin sa pagkakaroon ng problema sa Green pass: 

  • Numero verde 1500
  • Numero verde 800.91.24.91 araw-araw mula 8am hanggang 8pm
  • Mag email sa cittadini@dgc.gov.it
  • Humingi ng assistance sa app IO
Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

permesso-lungo-soggiornanti-ako-ay-pilipino

Permesso UE per lungo soggiornanti, ano ang required salary? Paano ito patutunayan?

Malattia at Dimissioni sa domestic job sa panahon ng Green pass