in

Programa ni Monti, nalimutan ang imigrasyon

Sa kanyang manipesto, ang Propesor ay hindi nagbanggit ng anumang aksyon para sa limang milyong dayuhang naninirahan sa Italya, kahit na ang reporma sa citizenship ng ikalawang henerasyon. “Ito ay hindi detalyado,” ayon dito, ngunit inaasahan ang integrasyon.

Roma, Dis 27, 2012 – Ang pamamahala sa imigrasyon ayon sa Mario Monti? Hindi nabanggit.

Online simula noong Dec 23 "Cambiare l'Italia, riformare l'Europa. Agenda per un impegno comune"(Baguhin ang Italya, Repormahin ang Europa. Ang programa sa parehong pangako", ito ang dokumento na nagtataglay ng mga kondisyon buhat sa Propesor sa sinumang nais nyang makita sa Palazzo Chigi. “Ito ang programa – tulad ng isinulat ng ex-premier sa introduction – ng mga inidikasyon sa pamamahala at ilang mga pangunahing temang dapat harapin”.  

Ito ay binubuo ng 25 pahina, ng mga pangunahing tema ngunit hindi nabanggit ang imigrasyon. Maliban sa isang hindi direktang pahiwatig sa pasimula, kung saan binanggit "ang pagtanggi sa populism at sa pagpaparaya, ang malampasan ang mga paghahatol, ang paglaban sa hate crime, sinpobya at diskriminasyon na karaniwang common denominator ng ilang grupo sa Europa".

At sa Italya, sa mga imigrante, ano ang mga dapat gawin? Sino ang nakakaalam. Sa manipesto ang Propesor ay naglarawan kung paano niya gustong harapin ng politika ang edukasyon, trabaho, ekonomiya, pamilya, kaligtasan at kapakanan, ngunit hindi naman nabanggit kung paano haharapin ang limang milyong dayuhang naninirahan sa bansang ito.

Kanyang nakalimutan na ang kanilang mga anak ay ipinanganak o lumaki sa bansang ito. Ilang buwan lamang ang nakakalipas, ipinaliwanag ng Prime Minister na sa kabila ng pagkakaroon ng bahagi nito sa kanyang puso ay hindi niya maaaring ipagsapalaran ang krisis sa isang temang labas sa prayoridad ng executive group na nabuo upang sagipin ang Italya sa sakuna sa ekonomiya. Ang reporma sa citizenship ng ikalawang henerasyon ay wala rin sa posibleng kanyang political program?

Sa paglalahad ng kanyang programa, si Monti ay siniguradong: “Ito ay hindi isang detalyadong programa ng trabaho at ayaw na maging malawakang isyu”. Maaaring inaasahan sa lalong madaling panahon ang tema ng integrasyon.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinoy, inaresto dahil sa pananakit sa anak na dalaga

Ano ang dapat gawin kapag nawala ang permit to stay na malapit na ang expiration?