Hinuli ang isang inspektor sa Roma sa paninikil hanggang sa 1500 euro!
Ang pangako ay pareho palagi: mabibigyan ng isang permit to stay, nang hindi susunod sa normal na proseso. Ang mga kondisyon, gayunman, ay palagi ring pareho: magbayad lamang ng hanggang sa 1500 €, kung hindi ay walang permit to stay.
At isa muling kuwento ng suhulan na may kaugnayan pa rin sa permit to stay, ngunit sa pagkakataong ito direktang mga inspektor ng Immigration Police department ng Prenestina sa Roma ang kasangkot.
Si Inspector Alexander Z. (46 taong gulang) ay kasabwat ni B. Ayad, 47-taong gulang na Moroccan, ay parehong nakakulong. Ang Moroccan ay nagsisilbing tagapamagitan sa mga biktima. Ayon sa ulat, ang dalawa ay humihingi ng € 1500, sa isang panaderong Algerian na ang asawa ay isang Italyano, at kung hindi diumano magbibigay ang biktima ng halagang hiningi ay pipigilan ng inspektor ang paglabas ng kanyang permit to stay.
Ayon sa kahilingan ng tagausig na si Paolo Ielo at ng investigator na si Valerio Savio na nangangasiwa sa mga imbestigasyon, ang dalawa ay inakusahan din ng panunuhol upang mapadali ang releasing ng permit to stay.
Ang akusado ay may kinalaman din diumano sa family reunification, at ginagamit ang mga immigrant na may mga asawang Italians, upang ideklara ang residence ng mga ito sa tahanan ng asawa upang makakuha ng sa medaling panahon ng citizenship.
Gawain ng Inspektor na patunayan na ang mixed marriages sa pagitan ng Italians at ng immigrants, ay epektibong nagsasama bilang mag-asawa. Sa mga pagsisiyasat ay lumalabas na sa halip ay malinaw na ang pulis ay ginagamit ang kanyang posisyon upang humingi ng hanggang sa 1500 € para sa mga “mamahaling” ok sa pag-aapruba ng residence.