in

Quarantine ng colf mula sa bakasyon, ituturing na permesso non retribuito

ako-ay-pilipino

Anumang fiduciary isolation o quarantine ng colf sa Italya sa pagbabalik mula sa bakasyon sa country of origin ay hindi itinuturing na lavorativo o working day. Samakatwid ay ituturing na permesso non retribuito o may pahintulot na pagliban na walang bayad. 

Kaugnay nito, kung ang trabaho ng colf, caregivers o baby sitters ay live-in, ang quarantine o fiduciary isolation ay hindi maaaring gawin sa bahay ng pamilya kung saan naglilingkod, partikular kung sa pamilya ay mayroong physically fragile at samakatwid ay madaling mahawahan ng sakit. Gayunpaman, ang paggamit ng ibang pribadong pasilidad ay hindi responsabilidad ng employer.  (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 2.7]

Website ng Regione Lazio, inatake ng mga hackers

Green Pass sa mga bars at restaurants, kailan mandatory at kailan hindi