in

Racial profiling sa Italya, kinondana ng UN

Sa isang pahayag kamakailan, inirekomenda ng UN na magpatupad ang Italya ng mas mahigpit na mga patakaran upang maiwasan ang racial profiling at ang maparusahan ang sinumang gumagawa ng mga pang-aabuso laban sa minorya. Ito ay matapos magpahayag ng pagkabahala ang Association for Legal Studies on Immigration o ASGI, na humiling sa UN Committee for the Elimination of Racial Discrimination (CERD) na imbestigahan ang sitwasyon sa Italy.

Kondana ng UN sa mga pulisya ng Italya

Ang kilalanin ang Italya bilang bansang racist ay isang lumalaking problema sa bansa. Sa napakaraming pagkakataon, sa katunayan, ang lahi ng isang tao ay palaging nakakaimpluwensya sa paraan ng pagtrato ng mga kapulisan. Isang kongkretong halimbawa ng diskriminasyon ay ang pagko-kontrol o pag-aaresto na nakabatay sa nasyunalidad ng isang indibidwal. At batay sa mga pagsusuri ay mapapansin na ang pinakakaraniwang biktima ng racial profiling ay mga miyembro ng minorities. Bukod dito, nakakagulat na ang Italya, sa kasalukuyan, ay walang mga partikular na batas upang labanan ang gawaing ito, sa kabila ng maraming ulat ng pang-aabuso.

Tinanggap ng CERD ang kahilingan ni ASGI at nagpahayag ng pagkabahala tungkol sa malawakang racial profiling ng mga tagapagpatupad ng batas sa Italya. Higit pa rito, binigyang-diin din nito ang paggamit ng mga facial recognition system na maaaring di-proporsyon na target ng ilang lahi, na hahantong sa diskriminasyon. Nag-ulat din ang UN ng mataas na bilang ng mga kaso ng rasistang pang-aabuso at pagmamaltrato, kabilang ang labis na paggamit ng dahas sa pagpapatupad ng batas. Upang matugunan ang problemang ito, inaanyayahan ang Italya na magpatupad ng mga partikular na batas laban sa ethnic profiling at magbigay ng malinaw na mga alituntunin sa pagpapatupad ng batas.

Kasama sa iba pang mga rekomendasyon ang paggamit ng mga transparent at walang diskriminasyong algorithm sa mga sistema ng facial recognition, ang pagkolekta ng mas detalyadong data sa mga reklamo ng pagpo-profile ng lahi at diskriminasyon, at masusing pagsisiyasat ng mga naturang kaso na may angkop na parusa para sa mga responsable.

Binigyang-diin din ng Komite ang pangangailangang isulong ang pagkakaroon ng higit na pagkakaiba ng nasyunalidad sa mga pulisya upang kontrahin ang mga gawaing diskriminasyon mula sa loob. Sa wakas, ang UN ay nagpahayag ng pagkabahala tungkol sa paggamit ng hate speech mula sa mga pulitiko at matataas na opisyal sa Italya. Bagama’t may batas laban sa hate speech na nag-uudyok sa racial discrimination, binigyan-diin ng UN ang pangangailangan para sa mas mahigpit na pagpapatupad ng mga batas na ito. Pati na rin ang mga pagsusuri at parusa para sa mga lalabag dito. (Stranieriinitalia.it)

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 3.5]

Decreto Flussi 2023-2025, aprubado din sa Chamber of Deputies

Highway Code sa Italya, maraming pagbabago