in

Record-breaking heatwave, magpapatuloy sa Italya at Europa

heat-stroke

Ang Summer 2022 ay napatunayang isa sa pinakamainit na naitala sa kasaysayan hindi lamang sa Italya. Sa katunayan, sa mga susunod na araw, isa na namang record-breaking heatwave ang tatama sa malaking bahagi ng Europa, na mararamdaman din sa Italya. Ito ay hindi isang normal na init ng panahon at tunay na maalinsangan at tila nagliliyab sa puntong mapanganib para sa kalusugan, gayundin para sa kapaligiran, na naging mas matindi at madalas dahil sa tinatawag na climate change

Simula noong nakaraang Mayo ay nakapagtala na ng temperatura na higit sa average ng panahon at ang natapos na buwan ng Hunyo ay ang pangalawang pinakamainit sa kasaysayan, sumunod sa hindi malilimutang init noong 2003.

Ayon sa weather forecast, ang mga darating na araw ay posibleng lalong tumindi ang mararamdamang heatwave, sanhi ng African anticyclone partikular sa bahaging Kanluran ng Europa, sa pagitan ng France at ng Iberian Peninsula, dahil sa mainit na masa ng hangin direkta mula sa Sahara Dessert. 

Bago magtapos ang linggo, mararating nito ang British Isles at ang Germany na magdudulot ng temperatura na karaniwang naitatala sa North Africa. Tinatayang higit + 14/15 ° C kumpara sa kung ano ang inaasahan sa mga linggong ito ng Hulyo.

Samakatwid ay tataas din higit sa 45 ° C sa Southern Spain. Pagkatapos, sa pagitan ng weekend at simula ng susunod na linggo ay lilipat ito patungo sa North East, kaya’t inaasahan ang maximum hanggang higit sa 30 ° C sa London, Paris at pagkatapos ay Germany.

Ang mainit na African anticyclone ay makakarating din sa Italya mula sa pagtatapos ng linggo at posibleng mas tumaas pa kaysa sa 40° ang temperature sa Piemonte, Lombardia, Sardegna at ang mga loob na bahagi ng Central Tyrrhenian region. 

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Fourth dose, narito ang mga dapat malaman

Omicron 5, ang mga sintomas, incubation period at panahon ng paggaling