in

Reddito alimentare, ano ito at paano ito matatanggap? 

Ngayong 2023 ay mayroong bagong uri ng tulong o ayuda mula sa gobyerno ni Meloni. Ito ay ang reddito alimentare, isang tulong para sa mga taong nasa matinding sitwasyon ng kahirapan at isang paraan rin upang labanan ang pag-aaksaya ng mga pagkain. Ito ay nilalaman ng Budget Law 2023 na inilathala sa Official Gazette.

Ang reddito alimentare ay isang experimental project ng gobyerno na tumutukoy sa pagbibigay ng mga goods o foods na hindi naibenta ng mga nagtitinda nito, na nakalaang ibasura na lamang

Narito ang mga detalye kung paano makakatanggap ng reddito alimentare 

Ang reddito di alimentare ay nilikha, una upang labanan ang pag-aaksaya ng pagkain at ikalawa upang matulungan ang mga mamamayang nasa matinding kahirapan dahil ito ay tumutukoy sa pagbibigay ng pagkain at inumin, mula sa mga hindi naibentang pagkain. Ang “hindi naibenta” ay tumutukoy sa mga pagkaing itinatapon ng mga supermarkets at malalaking distribution chains araw-araw dahil hindi na angkop upang ibenta ang mga ito sa publiko. Halimbawa, ang mga produktong may sirang packaging o ang mga produkto na malapit na mag-expire. Gayunpaman, sinisigurado na ang mga pagkain ay maayos at hindi magdudulot ng problema sa kalusugan.

Maaaring magpa-book ng mga produktong nabanggit sa pamamagitan ng mobile app at kukunin ito sa isa sa mga distribution center. Gayunpaman, ang mga matatanda/pensyunado, may karamdaman at mga non autosufficienti ay direktang matatanggap ang reddito alimentare sa kanilang mga tahanan. 

Para sa ibang detalye ay kakailanganing maghintay para sa implementing decree na inaasahang mailalathala sa loob ng 60 araw mula sa petsa ng pagkakaroon ng bisa ng Budget Law, ibig sabihin, sa katapusan ng February 2023.

Bukod sa reddito alimentare, para sa taong 2023 ay kasama ding inaprubahan ang Carta acquisti risparmio spesa 2023” sa Budget Law 2023 ng gobyerno ni Meloni. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Paano malalaman kung makakatanggap ng bonus bollette 2023? Narito ang mga bagong requirements 

Kakulangan ng mga gamot sa Italya, nagpapatuloy