in

Reddito di Alimentare 2024, sino ang maaaring mag-aplay?

Reddito Alimentare

Ang Reddito Alimentare 2024 ay isang tulong para sa mga taong nasa matinding sitwasyon ng kahirapan at isang paraan rin upang labanan ang pag-aaksaya ng mga pagkain. Ito ay isang proyekto na may nakalaang budget na €1.5M para sa taong 2023 at €2M bawat taon simula sa 2024. Ang layunin ay magdistribute nang libre ang mga hindi nabentang produkto sa mga humigit-kumulang na 3 milyong katao na nasa kahirapan.

Ano ang Reddito di Alimentare 2024

Ang Reddito di Alimentare 2024 ay tumutukoy sa libreng pagbibigay ng mga packed goods, na naglalaman ng mga hindi nabentang pagkain na dinonate ng mga negosyong bahagi ng proyekto, bilang tulong sa mga taong nasa mga kondisyon ng kahirapan.

Ang salitang “hindi nabenta” ay tumutukoy sa lahat ng mga pagkain na itinatapon ng mga supermarket at malalaking retail chain araw-araw dahil hindi na angkop ang mga ito na ibenta, halimbawa dahil sa nasirang packaging o dahil malapit na itong mag-expire. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang pagtatapon ng pagkain na layunin ng proyekto.

Dalawa ang pangunahing layunin ng Reddito Alimentare:

  • Maging bahagi sa laban sa matinding kakulangan o kawalan;
  • Labanan ang pagtatapon ng pagkain.

Narito kung paano matatanggap ang Reddito Alimentare

Ang Reddito Alimentare 2024 ay magsisimula sa mga residente ng unang apat na lungsod para sa experimental period: Genova, Firenze, Napoli at Palermo.

Narito kung paano. Ito ay maaaring i-apply hindi sa pamamagitan ng online application, kundi sa pamamagitan ng pagpapa-reserve ng packed goods gamit ang isang mobile application (app sa smartphone) o sa pamamagitan ng pagpunta sa mga Comune na nabanggit o sa tulong ng mga kasaping Third Sector. Gayunpaman, kailangan hintayin ang direktiba mula sa mga local government. Ito ay kukunin na lamang sa distribution center na ipo-provide ng Munisipyo. Samantala, ang mga senior citizens at PWD ay matatanggap ito direkta sa kanilang mga tahanan.

Sino ang makakatanggap ng Reddito Alimentare. Ang mga beneficiaries ng Reddito Alimentare 2024 ay ang mga mamamayang nasa matinding kahirapan, na kikilalanin ng mga Comune ng mga lungsod na nabanggit sa itaas, kung saan magsisimula ang experimental period ng proyekto at ng mga partner organizations ng Third Sector.

Simula noong February 5, 2024, ay isinapubliko ang Public announcement 1/2023 para sa mga Comune ng Genova, Firenze, Napoli at Palermo para i-promote ang Reddito Alimentare project. Ang mga project proposal ay maaaring isubmit hanggang 1pm ng March 31, 2024, batay sa pamamaraan na nakasaad sa artikulo 12 ng notice 1/2023.

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 5]

questionnaire italian citizenship

Questionnaire para sa Italian Citizenship, dapat sagutan bago magpadala ng aplikasyon!

Italia Startup Visa: come ottenere il visto d’ingresso per lavoro autonomo per i cittadini stranieri. La guida del nostro esperto