in

Reddito di Cittadinanza: 10 yrs residency, isang diskriminasyon

Reddito di Cittadinanza Ako Ay Pilipino

Para sa European Commission, ang requirement ng paninirahan sa Italya nang hindi bababa sa 10 taon ay isang diskriminasyon.

Nagbukas ng infringement procedure ang European Commission laban sa Italya, dahil ang mga kondisyon para matanggap ang Reddito di Cittadinanza ay salungat sa mga panuntunan ng EU sa free movements ng mga workers at sa karapatan ng mga mamamayan.

Partikular, ito ay tumutukoy sa requirement ng paninirahan sa Italya nang hindi bababa sa 10 taon. Ang Reddito di Cittadinanza, ayon sa ehekutibo ng EU, na ipinagkakait sa mga non-Europeans sa kawalan ng 10 yrs residency, ay dapat na bukas sa lahat ng mga mamamayan ng EU na may karapatan dito, anuman ang taon ng kanilang residency. 

Ayon sa Komisyon, ang requirement ng sampung taong paninirahan sa Italya ay isang indirect discrimination. Bukod dito, may diskriminasyon din ito laban sa mga mayroong international protection status, na hindi nakakatanggap ng tulong pinansyal. 

Samakatwid, ayon sa European Commission, ang Reddito di Cittadinanza at iba pang benepisyo ay dapat matanggap ng mga mamamayan ng EU na may trabaho, self-employed o nawalan ng trabaho, anuman ang kanilang kundisyon sa residency. At dapat din itong i-extend sa mga mamamayan ng EU na hindi nagtatrabaho para sa ibang mga kadahilanan, sa natatanging kondisyon ng pagiging regular sa Italya nang higit sa tatlong buwan at mga lomg term residents sa labas ng EU.

Ang Italya ay may dalawang buwan upang tumugon sa liham; kung hindi, maaaring magpasya ang Komisyon na iakyat ang kaso sa susunod na hakbang.

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 4]

Colf, nagbayad ng buwis at multa sa hindi paggawa ng dichiarazione dei redditi 

INPS, may bagong website