Sa isang komunikasyon ay ipinaaabot ng INPS ang bagong paraan upang matanggap ang Reddito di Emergenza 2021 bis para sa mga buwan ng June, July, August at September 2021. Ang bagong aplikasyon ay maaaring isumite mula July 1 hanggang July 31, 2021. Narito ang mga dapat malaman.
Reddito di Emergenza 2021 bis, bagong aplikasyon simula July 1 hanggang July 31, 2021
Ang bagong aplikasyon para sa Reddito di Emergenza ay maaaring isumite sa buwan ng July para matanggap ang tulong pinansyal sa karagdagang 4 na buwan: June, July, August, September. Samakatwid, ang mga pamilya ay maaaring mag-aplay sa pamamagitan ng website ng Inps, gamit ng SPID (o Carta Identità Elettronica o Carta Nazionale dei Sevizi) o sa pamamagitan ng mga patronati. Gayunpaman, sa mga sususnod na araw ay inaasahan ang karagdagang impormasyon mula sa Inps ukol sa requiremenst at incompatibility ng REM sa ibang benepisyo.
Samantala, ipinapaalala na ang REM ay isang benepisyong nakalaan sa mga pamilya, na dahil sa emerhensyang sanhi ng Covid, ay naharap sa pinansyal na paghihirap. Partikular, upang matanggap ang nabanggit ang REM ay kinakailangan ang mga sumusunod na kundisyon:
- Residente sa Italya;
- Ang sahod sa buwan ng Abril 2021 ay mas mababa kaysa sa halaga ng REM na mula €400 hanggang €800 batay sa laki ng pamilya. Para sa mga nangungupahan, ang pamantayan ng sahod upang matanggap ang REM ay tumataas ng 1/12 ng yearly amount ng upa, tulad ng nasasaad sa ISEE,
- Sa taong 2020 ang real estate assets ay mas mababa sa €10,000. Ito ay nadadagdagan ng € 5,000 para sa bawat miyembro ng pamilya maliban sa aplikante, hanggang sa isang maximum na €20,000. Ito ay may karagdagang €5,000 sa kasong mayroong may kapansanan o non self-sufficient.
- Pagkakaroon ng ISEE ordinario o corrente na mas mababa sa 15,000, kahit pa mayroong ilang exception;
- Walang miyembro ng pamilya ang mayroong kontrata ng lavoro dipendente o tumatanggap ng pensyon;
- Hindi tumatanggap ng ibang benepisyo tulad ng Reddito di Cittadinanza at anumang ayuda Covid19;
Basahin din:
Reddito di Emergenza 2021, paano mag-aplay