in

Reddito di Emergenza, ano ito?

Ang Reddito di Emergenza ay ang tulong pinansyal na inaasahan ng mga kategorya na hindi nakasama sa Decreto Cura Italia o ang ayuda ng Gobyerno ng Italya sa panahon ng pandemiya, kabilang na dito ang mga colf at badanti na hindi regular sa trabaho o nasa ilalim ng ‘lavoro nero’. Ito ay ‘no work no pay’ na mga manggagawa na walang natanggap na anumang kita mula buwan ng Marso sa pagsisimula ng lockdown.

Ayon kay Labor Minister Nunzia Catalfo, ang REM o Reddito di Emergenza, ay magkakahalaga mula € 400 hanggang € 800 kada pamilya batay umano sa bilang ng miyembro ng pamilya. Aniya, ang ayuda ay maaaring tumagal ng ilang buwan batay sa haba ng panahon ng krisis pangkalusugan. 

Ang aplikasyon ay maaaring gawin online sa pamamagitan ng website ng Inps, maaaring sa pamamagitan ng PIN o ng SPID. Para sa mga requirements at paraan ng aplikasyon ay kailangang hintayin ang paglabas ng dekreto.

Sinu-sino ang maaring makatanggap nito? 

  • Ang mga irregulars o lavoratori in nero
  • Ang mga walang trabaho na hindi nakakatanggap ng anumang ayuda mula sa gobyerno;
  • Colf at caregivers na pansamantalang walang trabaho o tinanggal sa trabaho;
  • Ang mga Expired ang employment contract at hindi na-renew dahil sa krisis;
  • Ang mga workers na tapos na ang pagtanggap ng unemployment benefit.

Kasama sa pagtanggap ng tulong pinansyal ay ang online formation course para sa muling pagkakaroon ng trabaho.

Sa kabila ng pagkakaantala sa paglabas ng REM na inaasahang lalabas sana ng buwan ng Abril ay nagpapatuloy diumano sa pagsusumikap ang gobyerno para sa tulong pinansyal at ayon sa mga pinakahuling ulat, ang dekreto na magtatalaga ng mga requirements at paraan ng aplikasyon nito marahil ay lalabas ng buwan ng Mayo. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

OFW Lavoro Italy, nakiisa sa pag-ayuda sa mga Pinoy sa Milan

Covid19 survivor sa Padova, narito ang patotoo