Ginanap kaninang umaga ang inagurasyon ng bagong obra ni Jerico Cabrera Carandang, isang tanyag na street artist na Pilipino sa Roma.
Ito ay pinangunahan ni Mayor Virginia Raggi at Luca Bergamo, ang Culture Assessor ng Roma Capitale.
Ang mural ay tinawag na ‘Reflections’ na matatagpuan sa kahabaan ng pader ng Casal de ‘Pazzi Museum kung saan naroroon ang mga labi at pangil ng sinaunang elepante 250,000 taon ng nakakalipas. Ito ay dahil na rin sa presensya ng isang ilog na sa kasalukuyan ay wala na.
“Ang ideya ng mural na ito ay nagmula sa pagnanais na ilarawan muli ang buhay sa nakaraan, 250,000 years ago. Mahalaga sa akin ang konsepto ng paglipas ng panahon at ang pagnanais na huwag sirain ang magagandang bagay na mayroon tayo”, ayon kay Jerico.
Sa katunayan, ang mural ay naglalarawan sa umaagos na ilog. May bukirin at bulkan sa likod nito at ang makikitang reflection sa tubig ng ilang sinaunang elepante.
“Isang pagbibigay halaga sa Casal de’pazzi museum. Sa pamamagitan ng obra ni Jerico, isang contemporary artist na naglalarawan ng likas na yaman sa nakaraan. Ngayong araw, sa pamamagitan nito ay aming hangaring pahalagahan ang lugar at patunayang ang administrasyon ay kasama ninyo”.
Ang obra ay naisakatuparan sa pamamagitan ng isang public announcement ng Zetema, ayon na rin sa indikasyon ng Comune.
https://www.facebook.com/jerico.dehomen.christo/videos/1193944637424624/
Ilang obra ni Jerico: