in

Refund sa transportasyong publiko, nilalaman ng Decreto Rilancio

Ang Decreto Rilancio na opisyal na inanunsyo noong May 13, 2020 ni Italian Prime Minister, Giuseppe Conte ay naglalaman ng maraming aksyon at ayuda sa mga kumpanya, manggagawa at mga pamilya.  

Kabilang na dito ang refund sa subscription ng public transportation sa bansa. 

Sa artikulo 209 ng decreto Rilancio, Misure di tutela per i pendolari di trasporto ferroviario e TPL” ay nasasaad ang refund sa binayarang abbonamento o subscription para sa treno at public transportation. 

Maaaring mag-request ng refund ang mga mag-aaral at manggagawa na mayroong balidong subscription sa panahon ng pagpapatupad ng decreti legge feb 23, 2020 n. 6 at march 25, 2020 n. 19 kung saan isinailalim sa lockdown ang buong bansa at hindi na nagamit ito o kung nagamit man ay sa sandaling panahon lamang kahit pa ang transportasyong publiko ay nagpatuloy sa sirkolasyon. 

Paano matatanggap ang refund: 

Ang refund ay maaaring matanggap sa dalawang paraan: 

  • Voucher katumbas ng halaga ng abbonamento;
  • Extension ng validity ng abbonamento katumbas ng panahong hindi ito nagamit.

Kinakailangang magsumite ng request sa ahensya na namamahala sa public transpo tulad ng Atac para sa Roma at ilakip ang mga sumusunod:

  • Dokumento na nagpapatunay ng pagkakabili ng abbonamento: ang ricevuta fiscale o ang tessera mensile o annuale, 
  • Autocertificazione kung saan idedeklara ng may-ari ng abbonamento na hindi ito nagamit sanhi ng lockdown.

Ang refund ay matatanggap sa loob ng 15 araw matapos matanggap ng ahensya ang request. 

Ang Atac, ang kumpanya na namamahala sa transportasyon sa Roma ay ipinaliwanag na hanggang sa ngayon ay naghihintay pa ng mga indikasyon sa paraan at panahon ng pagbibigay ng refund. Ang Lazio Region naman na namamahala sa sistema ng halaga at issuance ng abbonamento ang magpapatupad sa decreto matapos itong mailathala sa Official Gazette. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

May 18, ang ikalawang bahagi ng pagtatanggal ng lockdown sa Italya

159 Pinoys, nahawa ng Covid19 sa bansa ayon sa datos ng ISS