in

Regular domestic job sa bansa, higit sa 1.1M

domestic job Ako Ay Pilipino

Ayon sa AssindatcolfAssociation of Domestic employers, ang mga colf, caregivers at babysitters na may regular na ‘rapporto di lavoro’ sa domestic job ay higit sa 1.1 milyon sa bansa noong 2020. Ito ay batay sa isang research kasama ang mga datos ng Statistical Dossier Immigration 2020, na ginawa ng Idos Research and Study Center. 

Ito ay may pagtaas mula 200,000 – 300,000 kumpara sa taong 2019, kung kailan naitala ng Inps ang halos 850,000 na mga regular na domestic workers, at higit sa 70% ay pawang mga migrante at karamhina ay mga kababaihan. 

Ayon pa sa research, ang Emersione o Regularization batay sa artikulo 103 ng ‘Relaunch Decree’ ay malaki ang naging epekto at naging sanhi sa pagre-regularize ng 176,848 aplikasyon ng mga non-EU nationals sa domestic sector, o ang 85% ng kabuuang bilang na inilahad ng Ministry of Interior. 

Noong nakaraang Marso 2020, batay sa research, ang domestic sector ay nagtala ng pagtaas sa bilang ng hiring ng halos 20,000, isang pagtaas ng 40% kumpara sa taong 2019. Ito ay dahil kinailangang i-regular ang trabaho ng mga colf, babysitter at caregivers sa kasagsagan ng lockdown na nagpatuloy sa pagbibigay serbisyo at dapat na patunayan sa pamamagitan ng Autocertificazione.

Samantala, nahinto ang naging trend sa mga buwan ng Abril at Mayo 2020, na tumaas naman ay ang Cessazione del rapporto di lavoro o ang paghinto ng employment. Ayon sa Assindatcolf, sa buwan lamang ng Mayo 2020, mayroong higit sa 44,000 ang mga tinanggal sa trabaho, isang pagtaas ng 11% kumpara sa taong 2019. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinoy nagsauli ng pitaka Ako Ay Pilipino

Pinoy, nagsauli ng napulot na pitaka sa Modena

Ako ay Pilipino

PAG-IBIG Fund, patuloy na serbisyo sa kanilang ika-40 anibersaryo