Nagtapos ang Regularization 2020 ng may higit 200,000 aplikasyon.
Hanggang August 15, ang huling araw sa pagtatatpos ng Regularization, na tinatawag din na Emersione, may 207,542 aplikasyon mula sa mga employers ng agriculture, assistance to person at domestic sectors, upang gawing regular ang employment ng mga tauhan nito. Sa bilang, ay idadagdag ang 12,986 para naman sa aplikasyon ng permesso di soggiorno temporaneo para sa mga dayuhan na nagtrabaho na sa sektor na nabanggit.
Ito ay ayon sa final report mula sa Ministry of Interior.
Kinumpirma ng nasabing report ang pangunguna ng domestic job at assistance to person: 176,848 aplikasyon o ang 85% ng kabuuang bilang. Ang mga nangungunang rehiyon sa dami ng aplikasyon ay ng Lombardia (47,357), Campania (26,096) at Lazio (18,985). Ang mga provinces naman ay ang Milano (22,122), Napoli (19,239) at Roma (17,318). Ang mga employers sa domestic job ay karamihan mga Italians (136,138). Sa mga dayuhang employers naman ay nangunguna ang mga Pakistanis (5,681) at Bangladeshis (4,275). Samantala ang nationalities naman ng mga workers ay Ukrainians (18,639), Bangladeshi (16,102) at Pakistanis (15,614).
Ang mga aplikasyon sa agricoltura at pesca ay 30,694 o ang 15% ng kabuuan. Karamihan ng mga ito ay mula sa Campania (6,962), Sicily (3,584) at Lazio (3,419), habang ang mga nangungunang province ay ang Caserta (2,904), Ragusa (2,005) at Latina (1,897). Kahit sa sektor ng agrikultura, karamihan ng mga employers ay mga Italians (28,013). Sinundan ng mga Albanians (519), Moroccans (399). Ang nationalities naman ng mga workers ay Albanians (5,176), Moroccans (4,556) at Indians (4,488).
Samantala, sa 12,986 aplikasyon ng permesso di soggiorno temporaneo, narito ang 10 nangungunang provinces sa dami ng bilang ng mga aplikasyon, ayon sa Ministry of Interior:
Verona (675), Cuneo (466), Cosenza (423), Milano (406), Foggia (394), Salerno (393), Roma (391), Torino (380), Latina (351), Ravenna (338)
Final report Regularization 2020
Basahin din:
- Regularization 2020: Mga aplikasyon, umabot sa 160,000 hanggang July 31
- Halos 32,000 aplikasyon para sa Regularization
- Regularization 2020: Patuloy ang patuloy ang pagdami ng aplikasyon, digit sa 80,000