in

Regularization 2020, mabagal ang proseso. 0.71% pa lamang ang aprubado!

Humigit kumulang na 207,000 ang mga aplikasyon sa Regularization 2020, kung saan 85% ng mga ito ay para sa domestic job at 15% ang para sa agrikultura.

Mabagal ang proseso ng Regularization 2020 sa Italya! 

Sa katunayan, anim na buwan na ang nakakalipas mula ng magtapos sa pagtanggap ng mga aplikasyon. 

Umabot sa humigit kumulang na 207,000 ang mga aplikasyon, kung saan 85% ng mga ito ay para sa domestic job at 15% ang para sa agrikultura. 

Ang mga aplikasyon mula sa mga dayuhan na naghahangad na maging regular ang pananatili at pagta-trabaho sa Italya ay patuloy na nabinbin dahil sa burukrasya. 

Mabagal ang proseso at ang pagkakaroon ng hinahangad na permesso di soggiorno ay tila patak ng ulan sa desyerto.

Sa buong Italya, hanggang sa kasalukuyan, ay umabot lamang sa 1,480 ang mga permesso di soggiorno ang nai-released. Ito ay nangangahulugan na 0,71% pa lamang ang aplikasyon na aprubado.

Sa kabuuang bilang na 207,708 na mga aplikasyon ng Regularization, 13,244 ang mayroong convocazione o appointment, 923 ang mga rejected, 440 ang mga aplikasyon hindi itinuloy. Samantala sa 10,701 mga aplikasyon para sa permesso di soggiorno, 1,480 pa lamang ang nai-isyu.

(PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Lombardia, arancione scuro hanggang March 14

Italian citizenship by marriage, sino at paano mag-aplay?