in

Regularization 2020: Mga aplikasyon, umabot sa 160,000 hanggang July 31

Ang mga aplikasyon ng Regularization 2020 na natanggap ng Ministry of Interior hanggang July 31 ay umabot na sa bilang na 159,991. Sa bilang na ito, 11,397 ang mga aplikasyon na ‘in corso di lavorazione’ o hindi pa ganap na tapos sagutan. 

Ang Regularization, na tinatawag din na Emersione sa mga sektor ng agriculture, domestic at assistance to person, na napapaloob sa artikolo 103, talata 1 ng decreto legge 34 ng May 19, 2020 at nagsimula ng June 1 ay nakatakdang magtapos sa August 15, 2020.

Ayon sa ulat ng Ministry, sa datos ng July 31 ay makikita na nangunguna ang aplikasyon para sa domestic job at assistance to person na kumakatawan sa 87% (128,7199) ng bilang ng mga aplikasyon na tapos na at ang 75% (8,598) ng mga aplikasyon na nananatiling ‘in lavorazione’ pa lamang. Ang lavoro subordinato ay kumakatawan sa 13% (19,875) lamang ng mga aplikasyon na tapos na at 25% (2,799) naman ng mga aplikasyon na tinatapos pa lamang. 

Ang average number ng mga aplikasyon sa huling 15 araw ay 2,400 kada araw, na sa midweek ay dumadami hanggang 3,400.

Nananatili na Lombardy region ang nangunguna sa dami ng aplikasyon sa domestic sector at assistance to person (36,283) at ang Campania naman para sa agriculture sector (5,134). 

Kung country of origin naman ang pag-uusapan, nangunguna ang Ukraine, Bangladesh at Morocco para sa domestic job at assistance to person; Albania, India at Morocco naman para sa agrikultura at pag-aalaga ng hayop.

May 128,719 mga employers na nag-apply para sa regularization sa domestic sector, 99,126 ang mga Italyano. Para sa sektor ng agrikultura, 18,162 sa 19,875 na employers ay Italyano.

Ang mga aplikasyon ng Regularization 2020 ay maaaring isumite online sa pamamagitan lamang ng link na ito: https://nullaostalavoro.dlci.interno.it

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

bakuna laban covid19 Ako Ay Pilipino

Bakuna kontra Covid19, ano na ba ang estado?

Aplikasyon ng Italian Citizenship, sa pamamagitan lamang ng SPID simula Setyembre