Patuloy ang pagdami ng mga aplikasyon sa araw-araw. Ito ay ayon sa ikalawang ulat ng Ministry of Interior ukol sa Regularization o Emersione na nagsimula noong June 1, 2020.
Ayon sa website ng Viminale, noong June 1 ay higit sa 2,650 ang mga aplikasyon mula sa mga employer para sa Emersione na nasasaad sa artikulo 103, talata 1, ng DL 34 ng May 29, 2020, sa sektor ng agrikultura, domestic at service to person.
Apat na linggo matapos simulan ang nasabing proseso, sa ganap na 8 ng gabi noong Martes June 30, umabot na sa bilang na 80,366 ang mga aplikasyon: 69,721 ang mga kumpleto na at 10,645 naman ang mga kinukumpleto pa.
Ang araw-araw na takbo ng pagtanggap ng mga aplikasyon – na magpapatuloy hanggang August 15 – ay patuloy ang pagtaas sa bilang. Noong June 1, ang mga aplikasyong tapos na ay 870, at noong June 30 ay nasa 2,324 naman ang average number per day.
Samantala, ang domestic job atservice to person ang nangungunang sektor na kumakatawan sa 88% ng mga aplikasyong tapos na (61,411) at 76% (8,116) naman ang mga kasalukuyang tinatapos pa ng mga employer.
Ang Lombardy region ang nangungunang rehiyon na may pinakamataas na bilang ng mga aplikasyon para sa domestic sector at service to person. Campania naman para sa agriculture sector.
Nangunguna naman ang mga workers mula Morocco, Ukraine at Bangladesh para sa domestic at service to person sectors. Workers mula sa Albania, Morocco atIndia para sa agrikultura at pag-aalaga ng mga hayop.
Sa 61,411 mga employers na nagtapos ng mga aplikasyon para sa domestic job, 45,730 ang mga Italians (75%); sa 8,310 aplikasyon sa agrikultura, 7,451 ang mga Italians (90%).
Simula June 1-29, may bilang na 3,231 ang mga aplikasyon para sa permesso di soggiorno temporaneo.