in

Regularization, aprubado na!

Ganap ng inaprubahan ang Decreto Rilancio kung saan napapaloob din ang Regularization ng mga manggagawang dayuhan. Narito ang mga pangunahing punto ng Regularization. 

Ang mga sektor na sakop ng Regularization

Ang mga sektor na sakop ng Regularization ay ang agrikultura, livestock o ang pag-aalaga ng mga hayop, (allevamento), zootechnics o ang pag-aaral ng mga hayop, pangingisda (pesca), aquaculture, caregiving at domestic job. 

Ang Regularization o Emersione

Upang harapin ang emerhensya sa kalusugan, ang mga employer na nag-empleyo ng dayuhan na may expired ang permesso di soggiorno ay maaaring mag-aplay ng Emersione at gawing regular ang hiring sa pamamagitan ng isang employment contract per lavoro subordinato. 

Ang emersione del lavoro nero ay para din sa mga Italians na sa nakaraan ay nagtrabaho ng ‘nero’ o hindi regular.

Maaaring mag-aplay ang mga dayuhang magdedeklara sa nasa bansang Italya bago ang Marzo 8, 2020.

Permesso di soggiorno temporaneo 

Ang mga dayuhang na expired ang permesso di soggiorno mula Oct. 31, 2019 o nalalapit ang expiration nito, ay maaaring may-aplay ng permesso di soggiorno temporaneo upang maghanap ng bagong trabaho. Ito ay balido mula 3 hanggang 6 na buwan. 

Samantala, matapos magkakaroon ng bagong trabaho ay maiko-convert ang permesso di soggiorno temporaneo sa permesso di soggiorno per motivi di lavoro ng apat (4) na buwan. Kailangan ring patunayan na nakapag-trabaho na sa sektor na sakop ng kasalukuyang Regularization sa nakaraan. 

Kailan at paano ang simula ng Regularization

Ang aplikasyon ay magsisimula sa June 1 hanggang July 15. Sa kasong ang employer ang magsusumite ng aplikasyon ay kailangang magbayad ng € 400 bilang contributo forfettario para sa bawat worker. Kung ang dayuhan mismo ang magsusumite ng aplikasyon ay € 160 ang halaga ng kontribusyon.

Ang mga excluded at hindi maaring mag-aplay

Siguradong rejected naman ang aplikasyon mula sa mga employer na mayroong kaso sa nakaraan tulad ng illegal immigration, exploitation at iba pa. 

Excluded din ang mga dayuhang pinatawan ng expulsion decree, ang mga hinatulan kahit hindi pa pinal, mga nakasuhan dahil sa droga, nasangkot sa prostitusyon, iligal na imigrasyon. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Iba’t-ibang pa-contest, nagpasaya sa mga Pinoy sa Italya habang lockdown

€ 500 para sa buwan ng Abril at Mayo, nakalaan sa mga colf