Isang komunikasyon mula sa Inps ang naglalaman ng obligasyon sa kontribusyon na dapat bayaran ng mga employer habang naghihintay sa pagtatapos ng proseso ng aplikasyon ng Regularization. Ito ay matapos magpalabas ng komunikasyon ukol sa ‘contributo forfettario’ kamakailan. Sa ngayon ang mga employers ay nahaharap naman sa tema ng kontribusyon, sahod at buwis bago sumapit ang Regularization o Emersione. Ang tagubilin o instruction ay nasasaad sa Circular n. 101 ng Sept. 11.
Partikular, binigyang-diin ng Inps ang pagbabayad ng mga employer ng kontribusyon batay sa mga sumusunod na petsa:
- mula Mayo 19, 2020 (petsa ng pagpapatupad ng decreto-legge n. 34/2020), para sa mga aplikasyon kung saan idineklara ang pagkakaroon ng rapporto di lavoro sa mga mamamayang Italyano o EU nationals;
- mula petsa ng simula ng rapporto di lavoro – para naman sa mga aplikasyon na isinumite sa Sportello Unico per l’Immigrazione na naglalayong magkaroon ng rapporto di lavoro sa mga non-EU nationals na nasa bansang Italya kung ang rapporto di lavoro ay naganap matapos ang pagsusumite ng aplikasyon ngunit bago ag pagtatapos ng proseso ng Regularization.
Nililinaw ng nabanggit na Circular ang paraan kung paano sisimulan ang pagbabayad ng kontribusyon, na magkaiba sa agrikultura at sa domestiko.
Partikular, para sa huling nabanggit (domestic sector), nilinaw sa Circular na kung ang rapporto di lavoro ay nagsimula na bago pa ang pagsusumite ng aplikasyon, ang tanggapan mismo ng Inps ang magpapatuloy sa pagtatala o iscrizione ng rapporto di lavoro domestico at magtatalaga ng isang pansamantalang code.
Ipapadala ng nabanggit na tanggapan sa address ng employer ang comunicazione di iscrizione provvisoria, kasama ang instruction sa pagbabayad ng kontribusyon. Ang halaga nito ay kinalkula ng tanggapan batay sa mga datos na inilahad at ibinigay ng employer sa aplikasyon.
Sakaling ang rapporto di lavoro na pansamantalang nakarehistro ay tumigil sa pagtatapos ng proseso ng Regularization, ang employer ay kailangang gawin ang comunicazione di cessazione sa pamamagitan ng website ng Inps.
Basahin din:
- Halagang babayaran ng employer matapos ang aplikasyon ng Regularization, inilathala
- Circular n. 101 ng Sept. 11, 2020 ng Inps na naglalaman ng obligasyon sa kontribusyon na dapat bayaran ng mga employer habang naghihintay sa pagtatapos ng proseso ng aplikasyon ng Regularization.