Ayon sa datos mula sa Viminale na inilathala ng Ero Straniero sa website nito, sa kabuuang bilang na 207,000 aplikasyon ng Regularization na isinumite ng mga employer noong nakaraang 2020, ay 105,000 pa lamang ang bilang ng mga permesso di soggiorno ang nai-isyu at humigit kumulang sa 10,000 naman ang mga aplikasyong matatapos nang suriin. Gayunpaman, parami ng parami din ang mga rejected habang nagpapatuloy sa pagsusuri ng mga aplikasyon.
Sa datos, ay inilathala rin ang isang mahalagang resultang nakamit ng kampanyang Ero Straniero upang mapadali ang pagtatapos sa pagsusuri ng mga aplikasyon. Ito ay ang pagpapalawig sa trabaho ng 1,000 interns sa mga prefecture at questure upang magpatuloy at inaasahang, magtatapos sa mga aplikasyon ng Regularization.
Samantala, ukol sa Decreto Flussi 2022 kung saan naglaan ang gobyerno ng Italya ng bilang na 70,000 para sa regular na pagpasok ng mga workers sa iba’t ibang sektor. Sa mga itinalagang click days, ay naubos ang nakalaang bilang at umabot sa 220,000 ang mga aplikasyon para sa nulla osta mula sa mga employers. (PGA)