Inilathala na sa Official Gazette ang DL Rilancio na naglalaman ng pinakahihintay na Regularization. Ito ay nasasaad sa artikulo 103, “Emersione di rapporto di lavoro”.
Narito ang teksto. (Ang pahinang ito ay patuloy na magkakaroon ng mga updates, hanggang matapos ang translation ng teksto sa wikang filipino para sa ating komunidad)
I. Upang masiguro ang sapat na antas ng proteksyon ng bawat indibidwal, sanhi ng matinding emerhensyang pangkalusugan na konektado sa pagkalat ng covid19 at matulungan ang paglabas ng mga hindi regular na trabahoo ang tinawatag na emersione,
ang mga employer Italians, Europeans o dayuhan na nagtataglay ng permesso di soggiorno na nasasaad sa artikulo 9 ng decreto legislative ng July 25, 1998, bilang 286, at sumunod na mga susog,
ay maaaring magsumite ng aplikasyon, sa paraang binanggit sa mga talata 4, 5, 6 at 7, upang ganap na magkaroon ng contratto di lavoro subordinato ang mga dayuhang nasa bansa o upang ideklara ang patuloy na pagkakaroon ng hindi regular na employment ng mamamayang Italyano o dayuhan.
Para sa layuning nabanggit, ang mga dayuhang mamamayan ay dapat na sumailalim sa fingerprint bago ang March 8, 2020 o dapat ay nasa Italya na bago ang nabanggit na petsa, sa pamamagitan ng ‘dichiarazione di presenza’ batay sa batas ng May 28, 2007 bilang 68 o sa pamamagitan ng mga sertipikoo dokumento na nagtataglay ng petsa mula sa publikong tanggapan: sa parehong nabanggit na kaso, ang dayuhan ay hindi dapat lumabas ng bansang Italya mula March 8, 2020.
II. Para sa parehong layunin na tinukoy sa talata 1, ang mga dayuha, na nag-expired ang permesso di soggiorno noongOctober 31, 2019,na hindi na nai-renew o nai-convert sa ibang uri ng permit to stay, ay maaaring mag-aplay sa pamamagitan ng paraang binanggit sa talata 16, ng permesso di soggiorno temporaneo, balido lamang sa Italya ng anim (6) na buwan mula sa araw ng pagsusumite ng aplikasyon.
Ang mga dayuhan ay dapat na nasa bansang Italya ng March 8, 2020, at hindi na lumabas pa ng bansa mula sa petsang nabanggit, at dapat na nagsagawa ng mga gawain, sa mga sektor na tinukoy sa talata 3, bago ang petsangOctober 31, 2019,at mapapatunayan sa paraang tinukoy sa talata 16.
Kung sa pagtatapos ng validity ng permesso di soggiorno temporaneo, ang dayuhan ay magpapakita ng isang contratto di lavoro subordinatoo dokumentasyon tulad ng sa sahodo social securityna magpapatunay ng pagkakaroon ng trabaho, alinsunod sa probisyon ng batas, sa mga sektor na tinukoy sa talata 3, ang permesso di soggiorno ay iko-convert sa permesso di soggiorno per motivi di lavoro.
III. Ang mga probisyon ng artikulong ito ay para sa mga sumusunod na sektor:
a) agrikultura; livestock o ang pag-aalaga ng mga hayop, (allevamento), zootechnics o ang pag-aaral ng mga hayop, pangingisda (pesca), aquaculture
b) service to person, para sa sarili o sa miyembro ng sariling pamilya, kahit hindi live-in, may karamdaman o kapansanan;
c) domestic job bilang tulong sa mga pangangailangan ng pamilya.
IV. Ang application na tinukoy sa talata 1 ay naglalaman ng duration ng kontrata sa trabaho at ang napagkasunduang suweldo, na hindi mas mababa sa itinalaga ng contratto collettivo di lavoro na pinirmahan ng mga pangunahaing unyon at mga organisasyon ng employer na kumakatawan sa buong bansa.
Sa mga kasong nabanggit sa talata 1 at 2, kung magtatapos ang hiring, kahit sa kaso ng contratto stagionale, ay matatagpuan ang probisyon ng artikulo 22, talata 11 ng decreto legislative ng July 25, 1998, n. 286 at susog, upang makapagsagawa ng ibang trabaho.
V. Ang aplikasyon na tinukoy sa talata 1 at 2, ay isusumite mula June 1 hanggang July 15, 2020, sa pamamaraang itatalaga ng Ministry of Interior, kasama ang Ministry of Economy and Finance, atMinistry of Agricultural and Forestry Policies at dapat na ipagtibay sa loob ng sampung araw mula sa petsa ng pagpapatupad ng dekreto sa:
a) ang National Social Security Institute (INPS) para sa mga manggagawang Italyano o para sa mga mamamayan ng European Union;
b) Sportello Unico per l’Immigrazione;
c) ang Questura para sa issuance ng mga permit to stay na tinukoy sa talata
VI. Tinukoy sa talata 5 ng parehong dekreto ay itinalaga din ang limitasyon ng kita ng employer na kinakailangan sa pagkakaroon ng rapporto di lavoro, angkop na dokumentasyon na magpapatunay sa trabaho na tinukoy sa talata 16 pati na rin ang detalyadong pamamaraan upang maisagawa ang buong proseso.
Ang paghihintay sa resulta ng naging aplikasyon na tinukoy sa mga talata 1 at 2, ay nagpapahintulot na makapag-trabaho ang dayuhan; inaasahan na ang trabaho ng dayuhan ay esklusibong sa employer na nagsumite ng aplikasyon.
VII. Ang aplikasyon ay isusumite sa pagbabayad, sa paraang itatalaga sa implementing rules na tinukoy sa talata 5, ng isang kontribusyon o fixed rate na nagkakahalaga ng €500 para sa bawat manggagawa; para sa proseso na tinukoy sa talata 2, ang kontribusyon ay katumbas ng € 130 euros, net ng mga gastusin na tinukoy sa talata 15, na nananatiling dapat bayaran ng aplikante.
Bukod dito, ay nasasaad din ang pagbabayad ng lump sum ng mga dapat bayaran ng employer tulad ng sahod, kontribusyon at buwis, na itatalaga, pati ang paraan ng pagbabayad, sa pamamagitan ng Implementing rules ng Ministry of labor, kasama ang Ministry of Economy at Finance, Ministry of Interior at Ministry of Agricultural and Forestry Policies.