in

Regularization ng mga domestic workers, may ‘accordo’ na

Palapit na ng palapit ang katuparan ng Regularization, kilala rin sa tawag na Emersione o Sanatoria. Ito ay tumutukoy sa pagre-regular sa posisyon ng dayuhang nasa Italya na ng walang balidong dokumento para manatili sa bansa o ang permesso di soggiorno. 

Matapos ang ilang linggong diskusyon at tensyon sa pagitan ng mayorya, at ilang araw ng pagpapaliban, hatinggabi na ng magkaroon ng ‘accordo’ o ‘kasunduan’ ang mayorya ukol sa mainit na tema ng Regularization ng mga seasonal workers, colf at badante, kasama nito ang ayuda na nagkakahalaga ng 55 billion euros. 

Makalipas ang halos magdamag na diskusyon at mediation sa pagitan ng PD at M5S, ay inaasahang aaprubahan ngayong araw ng Konseho ng mga Ministro ang decreto Rilancio, kung saan napapaloob ang Sanatoria.

Sa katunayan, sa isang panayam ngayong araw ay binanggit ni Ministro Bellanova “nanalo ang dignidad ng mga tao”. 

Paliwanag pa ng Ministra, “ire-regular ang sinumang mayroong expired na permit to stay, samakatwid, ilang milyong mga caregivers o badante na naninirahan kasama ng mga pamliya at ang mga seasonal workers, ang makakapag-request ng permesso di soggiorno temporaneo, na kasalukuyang walang mga employers. Sa pagpapakita ng dati o lumang employment ay maaaring bigyan ng permesso di soggiorno ng anim na buwan”. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

DOLE-AKAP applications, pansamantalang di tinatanggap ng POLO-Milan at POLO-Rome

Posibleng halaga ng Regularization, ang kalkulasyon ng Moressa Foundation