Bumaba ng halos 150 million euros sa unang anim na buwan ng 2015. Sa kabila nito, isang pagtaas naman ng remittance mula sa mga Pilipino ng 5%. Isang makabuluhang pagbaba naman ng 40% mula sa mga Chinese.
Roma, Nobyembre 17, 2015 – Sa unang tingin ay tila bumaba ang remittances mula sa Italya, o ang halaga ng perang ipinapadala ng mga imigrante sa kanilang sariling bansa. Sa unang anim na buwan ng taong kasalukuyan, ang mga imigrante ay nagpadala ng 2,450 million euros, kumpara sa 2,600 million euros noong nakaraang taon.
Ang pagbaba ng halos 150 million euros (-5,8%) ay maaring dahil sa krisis sa ekonomiya o dahil padami ng padami ang ang mga miyembro ng pamilya na dumadating sa bansa sa pamamagitan ng family reunification. Ang elaborasyon ng mga datos ng Banca d’Italia na inilathala ngayong araw na ito ng Chamber of Commerce ng Monza at Brianza, gayunpaman, ay nagsasabing hindi sa lahat ng bansa ay bumaba ang remittance.
Mas mababa ang naitalang remittance mula sa Italya ng mga Romanians (426 million o – 2.3 % sa unang anim na buwan ng 2015 kumpara sa nakaraang taon) na nangunguna sa mga bansang pinakamataas ang remittance. Malaking pagbaba naman ang naitala ng mga Chinese (-39,6%), bilang ikalawang bansa: 252 million sa taong 2015 at 418 million noong 2014. At ito ang pangunahing sanhi ng pagbaba sa halaga ng remittance.
Sa kabilang banda, maituturing namang positibo kung isasaalang-alang ang top 10 countries of destination. Tumaas ang remittance na ipinadala ng mga Bangladeshi (+6,3%), ng mga Pilipino (+4,8%), ng mga Moroccans (+4%), Senegalese (+7,2%), Indians (+3,3%), Peruvians (+4,4%). Isang pagbaba rin sa mga Sri Lankans (-9,1%) at isang pagtaas naman mula sa mga Pakintans (+55,3%).