in

Remittance ng mga Pinoy, ikatlo sa pinaka mataas sa Italya!

Isa sa pinakamataas ang halaga ng remittance ng mga Pilipino sa Italya.

Sa katunayan, ang Pilipinas ay ang naitalang ikatlong country destination ng pinakamataas na remittance mula Italya noong 2018.

Ito ay ayon sa Moressa Foundation batay sa mga datos ng Banca d’Italia.

 

Makalipas ang ilang taong pagbagsak ng remittance na nagsimula noong 2013, ay muling nagtala ng mabilis na pagtaas ng remittance nong nakaraang taon, 2018.

Nagtala ng +20,7% na pagtaas at umabot sa halagang 6,2 billion euros ang kabuuang halaga ng remittance na lumabas sa Italya.

At sa unang unang pagkakataon ay nanguna ang Bangladesh bilang unang country destination at umabot ang remittance na ipinadala ng 730 million euros.

Pumangalawa naman ang Romania.

Kapansin-pansin ang unang 6 na bansa, kung saan ang 4 ay pawang mga bansa sa South Asia: Bangladesh, Philippines, Pakistan at India na mga bansang nagtala ng malaking pagtaas ng remittance, partikular ang Pakstan na nagtala ng +73,9%

 

source:

Mores Foundation

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Electioneering sa Roma, binatikos ng Netizens. Postal Voting Inalmahan!

AMA KO PATAWAD