in

Renewal ng mga driver’s license, tataas din!

Motorizzazione walang pondo sa kasalukuyan.

altRoma, Abril 3, 2012 – Ang mga driver’s license ay humahabol din sa walang katapusang mga karagdagang buwis. Sa pagre-renew o pag-u-update ng bagong address sa mga lisensya, ay madodoble ang mga bayarin.

Ang Department of  Transportation, ang Head Office ng Motorizzazione, ay inihayag, sa pamamagitan ng isang Circular noong Marso 9, ang pinansiyal na pangangailangan o kawalan ng pondo ng Motorizzazione, ay hindi na magawang ipadala ang mga stikers ng renewal ng mga lisensya sa mga humingi nito at upang masolusyunan ang problema, ang mga drivers ay napipilitang humilingi nga lamang ng duplicate nito.

Isang pagtaas sa gastusin ang aasahan, kasabay ng gasolina, ng VAT, at ng car insurance, isang senyales na walang katapusan ang pinsala sa mga mamamayan. Ang gastusin na noon ay  35.42 / 50.42 euro ay naging 79.42 / 96.42 euro. Tulad ng ipinaliwanag ng Kalihim ng Adiconsum,Pietro Giordano, ang gastusin ay maaaring umabot sa 99,42 hanggang 126,42 euro, kung ang mamamayan ay nais magpatulong sa pamamagitan ng mga ahensya. Ito ang mapait na katotohanan, na pagdudusahan ng mga mamamayan maging ang epekto nito. Halimbawa, ang mga magbibiyahe palabas ng bansa, na binibigyan ng provisory document ng Motorizzazione habang hinihintay ang ‘bollino’ sa renewal ng mga driver’s license ay walang legal value.

Ang Department sa pamamagitan ng Circular ay binanggit ang mga epekto nito sa mamamayan bilang “lehitimo” dahil ang kasalukuyang administrasyon ay hindi kayang kumilos ay magbigay ng karagdagang pondo”. Hindi nabanggit kung kalian o kung darating pa ba ang pondo, ngunit bilang solusyon sa kasalukuyan ang mga mamamayan ay dapat gawin ang mga sakripisyong hinihingi sa kanila.

Samantala, ang Adiconsum ay naghayag ng mga pamamaraang ayon sa batas Brunetta, o ang class action laban sa pamahalaan.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Carta Blu para sa mga highly qualified workers nasa Kamara

Black Saturday, isang non-working holiday sa Pilipinas