in

Renewal ng permesso di soggiorno, ipagkakait sa mga mag-aaral na huminto sa kurso

Ayon sa isang hatol kamakailan, ipinapaalala ng TAR ng Umbria na hindi maaaring ipagkaloob ang renewal ng permesso di soggiorno per motivo di studio sa dayuhang nasa ika-limang taon ngunit huminto sa kurso o may kulang sa bilang ng mga exams na kinakailangan para sa renewal ng permit to stay.

Sa artikulo 46, talata 4, ng batas 394/99 ay nasasaad na dapat na maipasa ng dayuhang mag-aaral ang isang exam sa unang taon ng kurso, at hindi bababa sa dalawang exam naman sa ikalawang taon. Gayunpaman, ang permesso di soggiorno per motivo di studio ay hindi maaaring bigyan ng higit sa 3 taong validity na higit sa haba ng kurso.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Filipino seaman, patay matapos mahulog sa barko sa Livorno

Pangako ni Conte kay Matarella: Babaguhin ang Decreto Sicurezza