in

Renewal ng permesso di soggiorno sa Napoli at Milan, narito ang bagong paraan ng apponitment online

Permesso di soggiorno Ako Ay Pilipino

Dahil sa emerhensyang hatid ng coronavirus, ilang Questure sa bansa ang nagpasyang palitan ang paraan ng pagkakaroon ng schedule para sa renewal at releasing ng mga permesso di soggiorno. Kabilang na dito ang Questura di Napoli at Questura di Milano, na sa kasalukuyan ay gumagamit ng angkop na website na nagpapahintulot ng pagkuha o pagbo-book ng appointment, sa paraang madali at simple.

Ang plataporma ng PrenotaFacile ay nagpapahintulot makapag-book ng appointment para sa iba’t ibang serbisyo tulad ng renewal ng permesso di soggiorno, upang maiwasan ang mahabang oras ng pila at ‘assembramento’ sa harap ng mga tanggapan. Ang website ay isang maayos na paraan para magkaroon ng appointment ng mga sumusunod na serbisyo: 

  • Releasing/renewal/duplicate ng permesso di soggiorno per cure mediche, gravidanza at patologie;
  • Releasing/renewal/duplicate ng permesso di soggiorno ex art. 31 t.u. imm;
  • Releasing/renewal/duplicate ng titolo di soggiorno ex d.legisl. 30/2007;
  • Conversion mula international protection sa permesso di soggiorno per lavoro;
  • Releasing/renewal/duplicate ng permesso di soggiorno per motivi di protezione internazionale e speciale;
  • Releasing/renewal ng permesso di soggiorno per richiesta/ottenimento apolida.

Sa website ay kailangang piliin muna ang lugar at ang sistema ay magpapahintulot na makapili ng araw at oras ng appointment sa Ufficio Immigrazione para sa pagsusumite ng lahat ng mga kinakailangang dokumentasyon. Bawat hakbang ay malinaw na ipinapaliwanag, upang maging madali para sa lahat ang paggamit ng website. Matapos ilagay ang lahat ng kinakailangang datos, ang programa ay magpapahintulot para ma-print ang resibo ng appointment. Ito ay mayroong bar code at qr code. 

Sa Milan, ang bagong appintment online ay aktibo na noon pang nakaraang July 2020. Ngunit sa Napoli ay nagsimula lamang nitong nakaraang December 2, at sa website ng Questura ay mababasa na ang PrenotaFacile lamang ang nag-iisang paraan upang makakuha ng appointment online. Matapos makuha ang araw at oras ng appointment ay kailangang sundin ito at ipinapaalala sa lahat na sundin din ang lahat ng mga panukala ng pamahalaan ukol sa coronavirus. (www.stranieriinitalia.it)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

permesso di soggiorno Ako Ay Pilipino

Permesso di Soggiorno, extended ang validity hanggang January 31, 2021

Ako ay Pilipino

Sinu-sino ang kailangang sumailalim sa quarantine ayon sa decreto Natale?