in

Reseta ng gamot kontra Covid, ibibigay na ng mga medico di base 

Simula ngayong araw (April 21, 2022), makakapagbigay na ang mga medico di base ng reseta ng gamot kontra Covid. 

Ito ang inanunsyo ng Agenzia Italiana del Medico (AIFA) sa pamamagitan ng isang note sa website nito. Sa katunayan, pinirmahan kamakailan ang isang kasunduan, na balido hanggang December 31, sa pagitan ng Ministry of Health, AIFA, at ang asosasyon ng mga pharmacies para sa pagbibigay sa publiko ng antiviral Paxlovid ng Pfizer

Sa pamamagitan ng reseta mula sa family doctor ay libre o walang bayad na makukuha ang antiviral Paxlovid mula sa parmasya. 

Ang Paxlovid ay maaaring ibigay sa mga adults na mayroong Covid na hindi nangangailangan ng supplemental oxygen therapy at nanganganib ng malubhang Covid-19, tulad ng mga pasyente na may cancer, cardiovascular disease, uncompensated diabetes mellitus, chronic pulmonary disease at matinding obesity“, paalala ng AIFA. 

Ito ay inirerekomenda ng WHO para sa mga pasyenteng may hindi malalang Covid-19, ngunit nanganganib na ma-ospital, gaya ng mga hindi bakunado, matatanda o immunosuppressed.

Ang pag-inom ng gamot ay dapat simulan agad o sa loob ng limang araw sa pagsisimula ng mga sintomas. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Ius Scholae, may suporta mula sa Forza Italia sa Kamara

Italya at Congo, pinirmahan ang kasunduan para sa gas supply