Sa layuning harapin at bigyang solusyon ang perikulong hatid ng ugaling pagamit ng mga cellular phones habang nagmamaneho, ay dinagdagan ang mga parusa at puntos na ibabawas sa lisensya sa mga lalabag.
Batay sa bagong Codice della Strada 2019, na inaasahang ipatutupad bago magtapos ang taon, ay nasasaad ang mga karagdagan at mas mabigat na parusa sa sinumang gagamit ng telepono habang nagmamaneho ng sasakyan o motor.
Ito ay inaasahang magreresulta ng pagbaba ng bilang ng mga malalang aksidente at pagkamatay dahil sa paggamit ng mga cellular phones ng mga drivers habang nagmamaneho.
Ang ritiro patente ay isinulong na rin sa Legge di Bilancio 2018, ngunit hindi ito nagtagumpay.
Sa kasalukuyan, ang ritiro patente sa bagong Codice della Strada 2019 ay inaprubahan na ng Committee on Tranportation at inaasahang aakyat sa Chamber of Deputies at pagkatapos ay sa Senado bago ito tuluyang ipatupad.
Anu-ano ang mga nilalamang ng bagong Codice della Strada 2019:
- suspensyon ng driver’s license mula 7 hanggang 30 araw at madadagdagan mula 1 hanggang 3 buwan sa muling paglabag;
- ang halaga ng pinakamababang multa na € 161,00 ay tataas sa € 422,00 at ang pinakamataas na multa na € 467,00 ay tataas sa € 1.697,00;
- demerits o mababawasan din ang points ng lisensya (ngayon ay 5 points ang tinatanggal);
- sekwestrado din ang cellular phones kung ang sanhi ng aksidente ay ang pagpapadala ng message o pagtawag.
Ang parusa ay para rin sa mga nakikipag-usap sa telepono at sinumang gumagamit ng anumang electronic device.
Bukod dito, kung ganap na maaaprubahan ang bagong Codice della Strada 2019, ay nasasaad na ang sinumang mahuhuli na gumagamit ng cellular habang nagmamaneho ay kumpiskado agad ang lisensya (ritiro patente) at sospendido mula 7 hanggang 270 araw.
Basahin rin:
Patente a punti, mga dapat malaman ng mga motorista sa Italya