in

Road map ng unti-unting pagtatanggal ng mga restriksyon sa Italya, inanunsyo ni Draghi

Road map ng unti-unting pagtatanggal ng mga restriksyon sa Italya

Sa press conference na ginanap ngayong hapon sa Palazzo Chigi ay inanunsyo ng gobyerno ang road map ng unti-unting pagtatanggal ng mga restriksyon sa Italya simula April 26. 

Simula April 26 ay magbabalik ang zona gialla na pansamantalang tinanggal. Magbubukas muli ng mga restaurants hanggang sa gabi sa outdoor at may pahintulot ang sports at spettacolo ngunit outdoor lamang. Muli ring magbabalik-klase ang lahat ng mga mag-aaral sa lahat ng grado at antas, kahit sa restriksyon ng zona arancione.

Simula May 15 ay magbubukas na ang mga outdoor pools at mga beach.Simula June 1 ay magbubakas ang mga gym para sa piling sports at simula July 1 ay magkakaroon na muli ng mga ‘fiere’.

Samantala, mananatili ang curfew ng 10pm. Bukod dito ay mananatili din ang restriksyon sa ilalim ng color code na magpapahintulot na mabasa ang pagbabago ng epidemya at magpapahintulot sa mabilisang aksyon at pagbabalik ng mga paghihigpit, kung kinakailangan. Bibibyang pahintulot ang sirkulasyon sa mga rehiyon na nasa ilalim ng zona gialle at magkakaroon ng pass sa rehiyon na may ibang kulay. 

Rischio ragionato. Ito ang hamon at peligro na hinarap ng gobyerno sa unti-unitng pagtatangal ng restriksyon. Ito ay batay sa mga datos na bagaman mabagal ay nagpapakita ng unti-unting pagbuti. Ito ay bilang tugon din sa mga mamamayan. Ito ay batay din sa isang mahalagang panimula: ang mga pag-uugali na magiging basehan ng mga pagluluwag ay kailangang sundin ng lahat, tulad ng pagsusuot ng mask at ang physical distancing”, ayon kay Punong Ministro, Mario Draghi sa press conference.

Gayunpaman, ayon sa Premier ay kakailanganin ang atensyon ng mga awtoridad, lokal at mga kapulisan upang maipatupad ng wasto at sundin ang mga tamang pag-uugali. Ito ay isang mahalagang oportunidad para sa ekonomiya at para sa buhay panlipunan, aniya.

Tiyak na ba ang unti-unting pagbubukas? 

Kung tama ang pag-uugali at susunod sa mga protokol at magpapatuloy ang maayos na pagtugon sa bakuna at mahusay na takbo ng pagbabakuna ay tila malabo ang pag-atras sa naging desisyon ng gobyerno. At sa autumn ay inaasahan ang lalong malawakang pagbabakuna“, tugon ng premier. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ako Ay Pilipino

Online appointment booking platform para sa pagbabakuna ng mga Rehiyon (II)

April 26, simula ng gradwal na muling ‘pagbubukas’ ng Italya