in

“Romans muna”, ang programa ni Giorgia Meloni bilang Mayor ng Rome

Ang naghahangad na maging alkalde ng lungsod ng Roma ay nais ibigay ang welfare batay sa tagal ng pagiging residente sa lungsod. “Ito ang aking programang pinaka rock”.

 

 

 

Roma, Marso 18, 2016 – Sinimulan ni Giorgia Meloni ang kanyang pagtakbo bilang Alkalde ng Roma sa pamamagitan ng isang deklarasyon ng kanyang programa laban sa mga imigrante. 

Kung siya ang mahahalal bilang alkalde, ang 360,000 mga dayuhan sa Rome ay nanganganib na magbigay ng priyoridad sa mga Romans pagdating sa welfare at ang resulta nito ay ang pagiging huli sa listahan kung access sa public services ang pag-uusapan tulad ng kindergarten o asilo nido, pabahay, tulong pinansyal at ibang pang social services. 

Ito ang paglilinaw na ginawa kamakailan ng aspiring Mayor matapos ang deklarasyon nito at pagkanta ng “Viva la Mamma”, sa panayam ng Radio Rock. “Ang panukalang aking isusulong kung ako ay mahahalal bilang alkalde? Marahil ay ang pagbibigay ng mga social services sa mga mamamayan batay sa taon o haba ng panahon ng residensya sa lungsod”, paliwanag nito. Sa gitna ng masigabong palakpakan ng kanyang mga followers, idinagdag ni Meloni pagkatapos, “Romans muna”. 

Para sa salitang “Romans”, hindi tinutukoy ni Meloni ang mga mamamayang naninirahan sa lungsod at regular na nakatala bilang mga residente. Para sa kanya, ay kailangang ibigay ang karapatan pagkatapos ng maraming taon (mabuti na lamang ang maraming taon hindi maraming henerasyon!) at ang mga imigrante, dahil sa kahulugan ng salitang imigrante, ay tiyak na mahihirapan upang makatanggap ng mga social services. 

Bagong balita ba ito? Bago lamang sa Roma, dahil ang mga ‘leghisti’ sa Region o sa mga Comune kung saan sila ay namumuno ay ilang beses na ring sinubukan ang ganitong uri ng diskriminasyon. Ngunit palaging pinahihinto ng mga hukom: ang batas at ang konstitusyon sa katunayan ay nagsasbing ang mga social services ay kailangang ipagkaloob batay sa pangangailangan ng mamamayan (kung mahirap, kung walang tahanan, kung maraming anak at iba pa) at hindi kailanman batay sa taon ng residenysa. 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

PANALANGIN SA PAGBOTO

Earth Hour 2016