Patuloy na bumababa ang Rt index ng Covid19 sa Italya. Nagtala ito ng 1.1 ngayong linggo. Noong nakaraang linggo, ito ay nagtala ng 1.27 at noong August 6, ang Rt index ay 1.56. Patunay na ang pagkalat ng virus ay halos under control sa kasalukuyan.
Ayon sa draft ng lingguhang ulat ng Ministry of Health at Istituto Superiore di Sanità, ang incidence ng virus sa bawat 100,000 mga residente ay nananatiling stable. Mula August 13 hanggang August 19, ang insidente ay 74 na kaso ng Covid19 bawat 100,000 residente, kumpara sa 73 sa nakaraang linggo at 68 sa naunang linggo pa.
Ang pinakamataas na insidente ay naitala sa Sardegna na may 156.4, sinundan ng Sicilia na may 155.8, Toscana na may 127.3. Ang listahan ay sinundan ng Umbria (92.6), Emilia Romagna (87.5) at Calabria (81.4).
Samantala, limang rehiyon naman ang mas mababa sa 50 kaso bawat 100,000 residente: Friulia Venezia Giulia (46.1); Lombardia (34.9); Molise (24.6); Piemonte (38); Puglia (43.9).
Batay sa mga datos, ang lahat ng mga Rehiyon sa Italya ay mananatili sa zona bianca. Walang inaasahang magpapalit ng color code – mula bianca sa gialla.
Labingwalo (18) ang mga rehiyon at mga autonomus province ang nasa moderate risk at ang natitirang tatlong (3) rehiyon: Lombardia, Veneto at Lazio ay nasa low risk.