in

Rt index sa Italya, patuloy ang pagbaba

Patuloy ang pagbaba ng Rt index sa Italya. Mula sa 0.86 noong nakaraang linggoay bumaba ito sa 0.78. Bumababa din ang incidence sa 66 kaso ng covid19 sa bawat 100,000 residente na noong nakaraang linggo ay 96 na kaso sa bawat 100,000 residente. Ito ang mga datas sa weekly report ukol sa sitwasyon ng Covid sa Italya, na pinag-aaralan ng control room.

Kaugnay nito, ang lahat ng mga Rehiyon at mga Autonomous province ay itinuturing na nasa low risk na at ang average Rt index ay mas mababa na kaysa sa 1 sa lahat ng rehiyon, at nangangahulugan na ang transmissibility rate ay nasa scene 1. 

Sa linggong ito, walang Rehiyon o Autonomous Province ang lumampas sa critical level sa bed occupancy sa ICU at medical area.  Ang occupancy rate sa ICU ay nasa 19%, at mayroong pagbaba rin sa bilang ng mga taong na-admit sa ospital mula 2,056 (11/05/2021) sa 1,689 (18/05/2021).  Ang occupancy rate sa medical area ay bumaba din sa 19%. Pati ang bilang ng mga taong na-confined sa medical area mula 14,037 (11/05/2021 ay bumaba sa 11,539 (18/05/2021). 

Batay sa mga datos, ayon kay Health Minister Roberto Speranza, ang buong Italya ay sasailalim sa zona gialla. Ito umano ang resulta ng mga ipinatupad na restriksyon, ang pagsunod at tamang pag-uugali ng publiko kasabay ng malawakang kampanya ng bakuna kontra Covid19. Gayunpaman, paalala ng ministro na ipagpatuloy pa rin ang pag-iingat ng lahat.

Click to rate this post!
[Total: 4 Average: 4.8]

Ako Ay Pilipino

EU green pass, may kasunduan na!

Buong Italya, zona gialla na simula May 24