in

Saan mandatory at hindi ang Green pass simula February 1, 2022?

Pinirmahan ni Punong Ministro Mario Draghi ang DPCM – Decreto del Presidente del Consiglio dei Ministri – na nagsasaad ng mga commercial activities kung saan mandatory at posibleng magpatuloy sa pag-access nang walang green pass. 

Saan hindi mandatory ang Green pass? 

Ayon sa DPCM sa kasalukuyang sitwasyon ng emerhensiya, ang tanging exempted na commercial activities sa mandatory green pass simula February 1, 2022 ay ang para sa pagkain at pangunahing pangangailangan, kalusugan, beterinaryo, hustisya at security.

Samakatwid, no green pass sa mga grocery stores, hypermarket, supermarket, discount store, mga minimarket at iba pang iba’t mabibilhan ng pagkain at inumin.

No green pass din sa bilihan ng produkto para sa health and hygiene tulad ng pharmacies, parapharmacies at iba pang shops na nagbebenta ng medical, orthopedic at optical items kasama ang hindi nangangailangan ng medical prescription. Bukod dito, no green pass din sa bilihan ng mga medical devices, pati ang mga para sa mga pet o veterinary para sa prevention, diagnosis at treatment.

Kumpirmado rin ang posibilidad na pumunta sa gasolinahan nang walang green pass.

Kung walang Green pass, posible rin ang pumunta sa mga tanggapan ng pulisya at mga local police para sa institutional functions nito. Samakatwid, ay maaaring mag-report ng krimen o humiling ng anumang aksyon para protektahan ang mga menor de edad.

Narito ang commercial activities kung saan hindi kakailanganin ang Green pass mula February 1

  • grocery stores at supermarkets, ngunit pahihintulutan lamang ang pagbili ng mga basic necessities
  • pharmacies and parapharmacies
  • sanitation shops.
  • orthopedics shops
  • opticians
  • gas station 
  • vets and pet shop
  • shops na nagbebenta ng kahoy, pellets at lahat ng uri ng panggatong for domestic use (heating).

Saan mandatory ang Green Pass?

Kakailanganin ang Green pass simula February 1, 2022 sa pakuha ng pensyon sa mga bangko at post office. Sa katunayan, kakailanganing bakunado o gumaling mula sa Covid, o mayroong negative Covid test 48 hrs (kung antigen) at 72 hrs (kung molecular) bago ang magpunta sa mga nabanggit na lugar. 

Bukod sa mga bangko at post office kahit sa lahat ng mga tanggapang bukas sa publiko at Questure ay mandatory simula February 1, 2022 ang pagkakaroon ng Green pass. Maliban na lamang kung may urgent need sa huling nabanggit tulad ng paggawa ng denuncia. 

Samantala, excluded sa listahan ng mga exempted sa green pass kahit ang mga tabaccheria at mga enoteca (wine bar) kung saan possible ring uminom at kumain. Samakatwid, sa mga huling nabanggit, para makapasok, ay kakailanganin ang green pass.

Ano ang mga pagbabago sa mga anti-Covid preventive measures simula February 1, 2022? 

Ipinapaalala na simula February 1, ay magbabago din ang validity ng Super Green passmula 9 na buwan sa 6 na buwan. 

Sa parehong araw ay magtatapos din ang ilang paghihigpit na itinalaga ng decreto festività, maliban na lamang kung magkakaroon ng pagpapalawig o extension. Kung walang extension, hindi na mandatory ang pagsusuot ng mask sa outdoor sa zona bianca at muling magbubukas ang mga disco. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 4 Average: 2.5]

Usaping e-PaRC, may nakahaing Resolusyon na sa Kongreso

Paano ibo-block ang mga unwanted calls sa mobile phone?