Roma – May 7, 2010 – Nakahanda na diumano ang guidelines sa planong integrasyon ng mga migrante sa Italya. Sinabi ni Ministero f Labor Maurzio Sacconi sa 22nd National Congresso f Acai na nasa huling proseso na ang dokumentong magtatag sa mga alituntunin ng “Identity and Encounter” na kung saan ay basehan ng bagong sistema sa point system ng permit to stay.
Ang batas sa security na ipinatupad noong nakaraang Agosto ay malinaw na nagsasabing ang integrasyon ay “isang proseso na magtataguyod sa maayos na samahan ng mga mamamayang italyano at dayuhan na may paggalang sa kahalagahan ng Italian Constitution, may mutual commitment sa pakikiisa sa pang-ekonomiya, pang-sosyal at kultura sa lipunan”. Inaasahan na ang bawat dayuhan, na sa panahong kailangang humiling ng permesso di soggiorno, pipirma sa “kasunduan, kusang loob na tatanggapin ang mga layunin ng integrasyon at isasagawa sa loob ng panahong balido ang permesso di soggiorno”.
Matatandaan na si Minister of Interior Roberto Maroni at si Minister of Labor Maurizio Sacconi ang nagsulong ng nasabing batas at kanilang ibinalita na ang ipinatutupad na ang point system ng permesso di soggiorno o ang tinatawag na permesso a punti. Subalit hanggang ngayon, wala par in linaw kung paano ito isasagawa kaya’t ang bagong sistema ay nanatiling nakasulat na lamang sa isang papel.
Ayon sa mga napabalita, 30 points diumano ang itatalaga sa permesso di soggiorno. Ang verification system ay isasagawa ng Prefettura, mabibigyan naman ng premyo ang makakapasa sa integrasyon, halimbawa, ang pag-aaral ng wikang italyano at pag-aaral sa prinsipiyo ng Constitution o sa pagpapaaral ng mga anak. Parurusahan ang sinumang hindi makakasunod sa batas at gagawa ng krimen. Ang hindi makakaipon ng sapat na puntos ay mapapauwi sa sariling bansa.