Nakatakdang tataas ang sahod ng mga colf at badante mula €109,00 hanggang € 145,00 simula Enera 2023. Ito ay dahil sa pagbabago ng Istat Price Index at batay sa artikulo 38 ng Contratto Collettivo Nazionale sa domestiv job ay awtomatiko ang pagtaas ng sahod sa domestic job dahil sa inflation rate.
Bagay na naka-alarma sa FIDALDO, ang Italian Federation of Domestic Employers, na binubuo ng mga associations tulad ng Nuova Collaborazione, Assindatcolf, Adld at Adlc. Ang awtomatikong pagtaas sa sahod ng mga colf at caregivers ay malaking halaga umano at mabigat para sa mga employers.
Dahil dito, nagkaroon ng iba’t ibang pagpupulong sa Ministry of Labor ang National Committee para sa isang kasunduan upang hindi magkaroon ng biglang increase sa sahod at sa halip ay unti-unting gawin ang inflation adjustment.
Sa pagtatapos ng ikatlong pagpupulong kamakailan ay walang kasunduang nabuo sa pagitan ng mga partido. “Bigo at walang kasunduan”, ayon sa Fidaldo, ang national federation ng mga domestic employers. Hindi tinanggap ng mga labor unions, Filcams-Cgil, Fisascat-Cisl, Uiltucs at Federcol ang hiling ng mga asosasyon ng mga employer na huwag bigla at unti-unting gawin ang increase sa sahod sa paglipas ng taon upang limitahan ang epekto sa badyet ng mga pamilya.
Samakatwid, ang kawalan ng kasunduan ay magre-resulta ng 80% assessment sa Istat Price Index at samakatwid, mula Enero ay magkakaroon ng 9.2% na pagtaas sa minimum wage at 100% naman para sa board and lodging sa domestic job.
Nagbabala ang Assindatcolf sa posibleng pagdami ng lavoro nero. Pinangangambahan din ang mabawasan ang oras ng trabaho ng marami o ang bumagsak sa lavoro nero ang maraming mga colf at caregivers. (PGA)
Basahin din:
- 9% Increase sa sahod sa Domestic job sa 2023, mabigat para sa mga Employers
- Minimum Wage sa Domestic job sa taong 2022