Mula Enero 2022 ang mga babysitters, colf at babysitters ay hindi na makakatanggap nang cash kung ang sahod ay mas mataas kaysa sa €999,99.
Ito ay matapos italaga ang maximum na halaga ng € 1000,00 bilang cash payment sa Italya ayon decreto fiscale 124 ng 2019. Ito ay nangangahulugan na may pahintulot lamang ang mga cash transactions hanggang € 999,99 at lahat ng mas mataas sa halagang nabanggit ay kailangang ‘traceable’. Samakatwid ay malinaw ang dahilan, pinagmulan at patutunguhan ng transaksyon. Ito ay upang mapigilan at malabanan ang tax evasion.
Dahil dito, ang sahod ng mga babysitters, colf at caregivers na higit sa halagang €999,99 simula January 2022 ay matatanggap sa pamamagitan ng bank o postal transfer, debit o credit card o tseke.
At dahil kasama ang sahod ng mga domestic workers sa mga deductibles, ay kailangan ang pagbibigay ng sahod sa pamamagitan ng ‘pagamento tracciabile’ para matanggap ang 19% detrazione IRPEF o tax deduction ng mga employers.
Gayunpaman, maaaring magpatuloy sa pagtanggap ng cash na sahod ang mga colf hanggang maximum na € 999,99 na sahod.
Ipinapaalala na nasasaad sa batas ang multa mula € 1,000.00 sa sinumang lalabag. Parehong mumultahan ang magbabayad (employer) at tatanggap (domestic worker) ng cash nang higit sa itinalagang halaga. (PGA)