Mababang ngunit walang pagkakaiba sa domestic job. Dayuhan at Italians na mga colf, caregivers at babysitters, pareho at walang gap sa sahod.
Ang domestic job ay isa sa ilang sektor kung saan ang mga migrante at mga Italyano ay kumikita ng pareho. Sa katunayan, kung isasaalang-alang ang mga domestic workers na regular na na-empleyo, ang mga dayuhan ay mayroong average yearly salary na € 8.374,63 na bahagyang mas mataas kumpara sa naitala sa mga Italians na domestic workers, € 7.364,61.
Ito ay kumpirmado kahit pa sa sektor lamang ng mga kababaihang manggagawa na sa domestic sector ay kumakatawan sa 88.7% ng kabuuan, kung saan dalawa ang dayuhang babae sa bawat 5 workers.
Ito ay lumabas na datos sa paglalahad ng Assindatcolf at ng Centro Studi e Ricerca IDOS, ng “Lavoro domestico dignitoso e salario minimo. A che punto siamo in Italia ed in Europa?”.
Para sa Assindatcolf at Idos, ang datos ay maituturing na positibo sa domestic job, at dapat ding tingnan ang bilang ng oras ng regular na trabaho sa isang taon, na para sa mga dayuhan ay mas mataas kumpara sa mga Italians. Ito ay dahil ang trabaho ay napakahalaga upang mapanatili ng mga dayuhan ang kanilang regular ng pananatili sa Italya. Sa madaling salita, ang gap sa sahod sa pagitan ng italians at dayuhan ay numinipis at bumababa sa mga sektor na may mababang sahod.
Gayunpaman, ito ay isang exemption sa pangkalahatang sitwasyon. Karaniwang ang average monthly salary ng mga dayuhan ay (1,077 sa taong 2019) mas mababa ng 23.5% kumpara sa sahod ng mga Italians (1,408).
At kung isasaalang-alang ang lahat ng sektor, ang mga manggagawang dayuhang babae ay hindi lamang kumikita ng mas mababa ng 17% (894), kumpara sa average salary ng lahat ng mga dayuhan, ito ay mas mababa din ng 28.2% kumpara sa mga kababaihang Italyano (1.245), na tumatanggap ng mas mababang average salary kumpara sa mga kalalakihang italians.