in

Salvini kakasuhan!

Kasama ang kanyang chief of staff, ay sasailalim si Matteo Salvini sa imbestigasyon sa kasong kidnapping (sequestro di persona), abuse of power (abuso d’ufficio) at illegal arrest (arresto illegale). Ito ay kaugnay sa Diciotti, isang Coast Guard kung saan lulan ang 177 migrants na hindi pinahintulutang makababa mula dito at na-stranded sa Catania port.

Makalipas ang limang araw ay tuluyang nakababa ng Diciotti hatinggabi kahapon ang natitira pang 137 migrante. Ang lahat ay kasalukuyang kinikilala, inilipat sa hot spot sa Messina para ganap na paghiwa-hiwalayin: halos isang daan ang mapupunta sa mga simbahan sa Italya at tig-dalawampu naman ang Albania at Ireland.

Matatandaang unang binigyan ng pahintulot na bumababa ng barko ang mga migrante na nangangailangan lamang ng medical assistance at ang 27 menor de edad.

Sa kabila ng naging panawagan ng Unhcr at OIM sa gobyerno na pahintulutan ang pagbaba ng mga migrante, ay nananatiling matigas ang desisyon ni Salvini na hindi pababain ang mga ito.

Dahil dito isinulong ng Agrigento Public Prosecutor Office ang kaso laban sa ministro at ngayon ito ay hawak na ng Court of Ministries.

Pinapangalagaan ko lamang ang frontier ng bansa, walang makakapigil sa akin”, tugon naman ni Vice Premier at Minister of Interior.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga Dapat malaman sa Gestational Diabetes

Mga dapat malaman ukol sa Shabu at ang epekto nito sa katawan ng tao