in

Salvini, nahaharap sa 3 kaso ng paglabag

Nahaharap si Salvini at kasalukuyang iniimbistigahan umano ng tatlong hukom dahil sa paulit-ulit na pagpapawalang bahala at paghadlang nito sa mga operasyon ng tulong sa mga dumagsang migrante, ayon sa ulat ng Avvenire.

Ayon pa sa ulat, kasalukuyang hinihintay ang isang bagong abiso mula sa hukuman ng Catania at magkakaroon din ng imbistigasyon ang hukuman ng Palermo.

Gayunpaman, ang posibleng paglabag o krimen sa imbestigasyon ng mga magistrati ay hindi pa inilalabas.

Sa kasalukuyan, isang bagay lamang ang sigurado, hawak na ng guidicial police ang mga dokumento ng Interior at Infrastructure Ministries para sa kaso ng Sea Watch, na dumaong sa Lampedusa matapos saklolohan ang 65 katao noong nakaraang May 15. Mayroon ding mga menor de edad na sakay ng Sea Watch na ngayon ay hawak ng hukom ng Palermo.

Ang balita ukol sa imbestigasyon ay hindi nagmula sa hukuman bagkus ay mula sa General Commander of the Harbor Master.

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

TFR o liquidazione, paano kinakalkula?

5-6, natimbog ng Guardia di Finanza. Dalawang Pinay, sangkot!