ROMA – Simula bandang alas onse ng umaga hanggang sa kasalukuyan, alas dos y media ng tanghali ay walang patid ang pag-ulan sa yelo sa Roma. Patuloy ang pagbagsak ng puting puting yelo lalo na sa North ng Roma at umabot ng halos 50 centimeters ang kapal ng yelo.
Para sa alkalde ng lungsod na si Mayor Gianni Alemanno, sinuspinde ang eskwela sa araw na ito bilang paghahanda at proteksyon sa mga mag-aaral. “Maaaring ang mga magulang sa oras na ito ay nahihirapan kung paano susunduin ang kanilang mga anak, kung hindi natin pinangunahan ang sama ng panahon”.
“Ayon sa mga report, magpapatuloy sa Roma ang sama ng panahon hanggang sa susunod pang 48 oras at dapat pag-tuunan ng pansin ang ating paghahanda”, dagdag pa ng alkalde. Dito sa Roma tayo ay naghanda hanggang sa100 metric tons ng asin at 300 volunteers ang naghanda.
Ayon sa weather forecast ng Edoardo Ferrara di 3bmeteo.com, sa rehiyon ng Lazio ay magpapatuloy ang pag-ulan ng yelo sa madama hanggang bukas ng umaga. Samantala para sa araw ng linggo naman ay magpapatuloy ang pagbaba ng temperatura.
Kasalukuyang regular ang transportasyon ngunit nananawagan ang Roma Capitale na iwasan ang magtungo sa sentro at iwasan ang pag biyahe sa araw na ito at maging maingat sa pagmamaneho.
Samantala, isa ang namatay sa Bologna at isa rin sa Ravenna, -21 sa Val d’Aosta, -18 sa Friuli, -13 sa Liguria. Makapal na yelo sa Torino, Milano, Genova, Bologna, Firenze, Siena at Perugia.
Dahil sa lamig at kapal ng yelo, di masasabing hindi inabisuhan ang buong banasa ng sama ng panahong galing sa Siberia. Ayon sa weather forecast, ang lamig na ito ay maaaring magpatuloy hanggang 48 oras pa at inaasahan ang patuloy na pag-ulan ng yelo sa Lombardia, Emilia-Romagna, Marche, Toscana ed Umbria.