in

Sampung libong entry visa para sa mga training and vocational courses

Bagong quota para sa entry visa ngayong taong ito. Aplikasyon sa mga Konsulado/Embahada, ngunit para lamang sa mga vocational  courses at internship.

altRome – Sampung libong mga dayuhan ang pinapayagang muli ay pumasok sa taong ito sa Italya upang matutunan o pag-aralan ang isang uri ng trabaho, kabilang ang mga vocational course at traineeships para sa formation at orientation. Ang bilang para sa entry visa ay itinalaga sa pamamagitan ng isang tulad na ‘Direct hire’ na naitala kahapon sa Official Gazzette.

Limang libong entries ang maaaring lumahok sa mga kurso ng pagsasanay (formation courses), na isinasaayos ng mga accredited authorities, na maaaring tumagal ng hanggang sa 2 taon at dapat na magbigay o mag-isyu ng isang kwalipikasyon o sertipikasyon, gayunpaman ng mga ginawang pag-sasanay. Limanglibong mga entries naman para sa internships, na magaganap ayon sa isang proyekto na inaprubahan ng karampatang mga awtoridad (nag-iiba sa bawat rehiyon).

Ang dayuhan ay dapat magsumite sa konsulado, kasama ng visa application, ng mga dokumentasyon na naaayon sa mga kurso o pagsasanay na gagawin sa Italya. Ang mga darating sa pamamagitan ng nasabing ‘entry’ ay magkakaroon ng isang permit to stay para sa pag-aaral na maaaring mai-convert lamang sa isang permit to stay para sa trabaho kung sa pagtatapos ng kurso o pagsasanay ay makakahanap ng isang employer para sa hiring at ayon pa rin sa quota na itinakda ng gobyerno, para sa nasabing conversion ng permit to stay.

MINISTERO DEL LAVORO E DELLE POLITICHE SOCIALI. DECRETO 11 luglio 2011 Determinazione del contingente annuale 2011, relativo all’ingresso di cittadini stranieri per la partecipazione a corsi di formazione professionale e tirocini formativi. (11A11588) (GU n. 200 del 29-8-2011 )

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

CGIL, Humindi sa mga buwis ng remittances ng mga migrante

Pensyon, tinanggal sa mga kabiyak na caregivers