Sa pamamagitan ng isang kasal sa maliliit na republika ng San Marino ay maaaring iligaw ang security law. Maroni, humahanap ng lusot!
Roma – Mula Agosto 2009, kailangan ang permit to stay sa seremonya ng kasal.
Ito ay isang batas ayon sa Security law na maaaring lusutan. Sa sinumang ikakasal sa isang Italyano o sa isang dayuhan na regular na naninirahan, ay nagkakaroon ng karapatang manirahan sa Italya, dahil dito maraming mga hindi regular na dayuhan ang nagbabayad para sa isang matamis na “oo.” At ilang araw matapos ang kasal, ang mag-asawa ay nagiging hindi magkakilalang muli.
Sa kabilang banda, ito naman ay nagiging mapait na tadhana sa mga tapat na magkatipan, na maaaring walang permit to stay, ngunit tapat ang pag-ibig at ang pagnanais na magkaroon ng isang pamilya. “Iniisip na sinumang walang permit to stay na naghahangad ng isang kasal ay upang maging regular sa bansa”. Ito ay isang malubha at hindi matatagap na panghihimasok ng estado sa mga pribadong buhay ng mga mamamayan” ayon sa asosasyon para sa karapatan ng mga nananangkilik at mga mamimili, ADUC.
Lokohin ang batas ay hindi mahirap gawin, magpakasal lamang sa San Marino. Isang maliit na independiyenteng republika sa pagitan ng Marches at Emilia Romagna, sa katunayan, ay hindi humihingi ng permit to stay sa mga ikakasal na imigrante, at ang kasal sa San Marino ay balido sa buong Italya. Kaya halos naging isang negosyo ang batas ng seguridad.
Ang San Marino, ayon pa sa ADUC, “ay isang magaling na negosyante, nagtaas ito ng mga presyo.” Ang kasal doon sa kasalukuyan ay nagkakahalaga ng isang libong euro, ngunit maraming mag kasintahan, isang Italyano at isang hindi regular o regular na dayuhan sa Italya, ang nagpapasyang mamuhunan para sa isang kapalit na EC long term residence permit o carta di soggiorno. ‘Tila ang larong ito ay tunay na may panalo’ ayon pa sa association.
Ngunit ngayon ang Minister, Roberto Maroni ay humahanap ng lusot. Sa katapusan ng Enero, nagkaroon ng isang pulong kasama ang delegasyon mula sa San Marino, “upang pag-usapan ang tema ng kasalan sa pagitan ng Italyano at dayuhang non EC nationals.” “Sa partes ng mga Italian – ayon sa isang komunikasyon – ay positibong hinarap ng San Marino ang usapin upang hanapan ng solusyon ang mga bagay bagay.”
Tila, kahit San Marino ay magiging off limits na rin para maging magkatipan habang buhay ang mga walang permit to stay.