Halos kalahati pa lamang sa bilang ng mga colf at badanti na sumali sa regularization noong Setyembre 2009 ang nabigyan ng permesso di soggiorno.
Napakarami pa sa mga aplikasyon ang pinag-aaralan ng pulisya at prefecture kaya’t sila’y napipilitang pagilin ang proseso.
Ang dahilan diumano, tatlong daang temporary workers ay kanilang tinanggal sa trabaho na inempleyo ng Ministry of Interior. Ang dapat na tutulong sa mga tanggapan na nag-aayos ng aplikasyon sa regularization ay ang mga nasabing temporary workers.
Nararamdaman na ang konsegwensyang ito. Ang Prefecture of Milan ay naglagay ng dalawampu at limang windows upang mapabilis ang proseso para sa sanatoria. Dahil sa wala naman umanong pagbabago, isinarado ang labing-apat na tanggapan, kaya’t lalong lumala ang sitwasyon at naging mas mahaba ang panahon sa paghihintay ng appointment.
Hinihiling ng mga temporary workers na sila’y ibalik sa serbisyo. Subalit malinaw na sa mga bayang may pinakamaraming bilang ng aplikante tulad ng Milan, Roma at Napoli, ang regularisasyon ay hindi matatapos bago mag-2011.