Pagkatapos ng Angelus sa araw mismo ng St. Stephen’s Day na ipinagdiriwang tuwing ika-26 ng Disyembre sa Italya ay ipinalangin ng Santo Padre ang mga biktima ng bagyong Ursula na tumama sa Visayas, na nagtala ng 30 biktima.
Inanyayahan ng Santo Padre ang mga mananampalataya na dumayo pa mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo sa Vatican na sama-samang manalangin ng Aba Ginoong Maria para sa mga biktima.
“Ako ay kaisa sa pagdadalamhati ng mga Pilipino. Nanalangin ako para sa mga biktima ng bagyo, ang mga sugatan at ang kanilang mga pamilya para sa komunidad na malapit sa aking puso, ang mga Pilipino”.
“Ang ligayang hatid ng Pasko sa ating mga puso ay maging sanhi nawa ng hangaring pagnilayan ang pagdating ni Hesus sa ating mga Belen, na Sya ay ating paglingkuran at mahalin sa pamamagitan ng ating mga kapatid, lalong higit ang mga nangangailangan”, pagbati ng Santo Padre sa araw ng St. Stephen’s.
Bilang pagtatapos ay nagpasalamat dina ng Santo Padre sa daang libong natanggap na mga pagbati sa araw ng kapaskuhan. “Hindi ko man kayo matugunan lahat, siguradong kayo ay kasama sa aking panalangin”, pagtatapos pa ng Santo Padre.